A-E-I-O-U

          Sa unang pahina ng abakada ang iyong unang makikikita ay ang patinig na A-E-I-O-U at susundan ng pantigan na ba-be-bi-bo-bu hanggang ikaw ay umabot sa ya-ye-yi-yo-yu, at sa dulong pahina ay may maikling istorya na iyong makikita at duon mo lang mapapagtanto ikaw pala ay marunong ng bumasa.           Sa…


          Sa unang pahina ng abakada ang iyong unang makikikita ay ang patinig na A-E-I-O-U at susundan ng pantigan na ba-be-bi-bo-bu hanggang ikaw ay umabot sa ya-ye-yi-yo-yu, at sa dulong pahina ay may maikling istorya na iyong makikita at duon mo lang mapapagtanto ikaw pala ay marunong ng bumasa.

          Sa loob ng tahanan si inay ay binigyang buhay ang a-e-i-o-u na may kasamang aksyon at pang-unawa, at dito rin itinutiro sa iyo ni inay ang tamang pagbigkas ng mga letra na hanggang sa iyong pagtanda pala ay lagi mong kasama at nakikita.

          Sa loob ng paaralan si maam ang iyong kasangga sa pagbasa na kung minsan pa nga sa sobrang libang mo sa pagbasa talata ay natapos mo na, kwento ay natandaan mo na at ikaw nga ay nakatula pa.

 

          Ang bata na bumabasa ay may magandang Edukasyon na makukuha ng pagdating ng araw pamilya ay ma Itataguyod mo na dahil ibat-ibang Obra,kakayahan at talento sa iyo tUmimo na, Kaya’t A-E-I-O-U ay pag-aralan at basahin na.

By: Mrs. Olivia C. Agron | Teacher II | Our Lady of Lourdes Elementary School | Munting Batangas, Balanga City, Bataan


Previous