Ang tao ay may kaloobang sinusunod.Sabi sa Awit 32 na minsan tulad tayo ng kabayo na walang pang-unawa(tal.9).Alam ng Diyos na kailangan natin ang lahat ng tulong na makukuha kaya sabik na bigyan siya ng control ng ating buhay.Gusto niyang turuan tayo kung saan dadaan at patnubayan tayo at bantayan.(tal.18)
Katulad ng isang batang nagsisimulang magbasa ang ating paglalakbay sa mundong ito ay maihahalintulad natin dito hanggang sa matuto tayong magbasa.Sinimulan natin ito sa letrang A na nais kong tawaging Abang Lingkod.Bawat isa sa atin ay nilikhang tagapaglingkod sa ating kapwa.Iba’t ibang paraan lamang ito,at ito ay malaking katungkulan na dapat nating gampanan.Ang isang mahusay na tagapaglingkod ay lubos na kinalulugdan ng Diyos sa pagbibigay ng kaukulang biyaya sa bawat gagawin mo sa iyong kapwa.Kung si Jesus ay buong kababaang loob na tumalima sa nais ng Diyos ama na kapalit ang sarili niyang buhay,tayo pa kaya na simpleng paglilingkod at pagtalima lamang ang sa ati’y hinihingi.
Espiritwal na prinsipyo.Lahat ba tayo ay mayroon nito?Ang espiritwal na prinsipyo ay obligasyon ng bawat isa sa atin.Ito ay ang pagpapasa sa iba ng mga kabutihang ating natatanggap sa araw-araw.Hindi man nakikita ng tao ang kabutihang ating ginagawa,mas mabuting gawin natin ito di pakitang tao lamang,ang Diyos ang nagbibigay ng kaukulang pagpapala mula sa ating nagawang kabutihan sa ating kapwa.
Integridad.Walang nakalulusot sa pagsisisnungaling.Akala ni Ananias at Satira ay nagsisinungaling lamag sila kay Pedro at ibang mananampalataya.Ngunit sabi sa kanila ni Pedro”Nagsisinungaling ka,hindi sa tao kundi sa Diyos”Ang katotohanan ay isang katangian ng Diyos.Pag nagsinungaling tayo,nagkasala tayo sa kanya.Sa malaon at madali,ilalantad niya ang bawat kasinungalingan.Kung hindi sa buhay na ito sa paghuhulkom(Roma 14:10-12).Palagi nating isaisip na hiram lamang ang buhay na ito,sa tamang panahon igagawad ng Diyos ang kanyang hatol batay sa ginawa natin dito sa lupa,nagpakatotoo ba tayo o namuhay tayo sa pandaraya upang makamit ang makamundong kasikatan.Pag-isipan mo ito.
Oras.Mabilis lumipad ang mga taon ng buhay.Marami tayong ginagawa na kadalasan ay hindi natin tiyak kung para kanino ba ang mga pagpapagal na ito.Dapat lang gawin nating positibo ang pagtingin sa kung paano gugulin ang bawat segundo sa ating buhay,ito ba ay ginugol natin sa pagbibigay katarungan,pag-asa at pagsususmamo na kalugdan ng Diyos o ginamit lang natin ito ng walang tamang direksyon na patutunguhan.Sinasabing bawat araw na dumarating sa atin ay isang pag-iipon.Pag-iipon ng mga bagay na ginawa natin.Ito ba ay ikalulugod sa paningin ng Diyos o ang paghahangad nating makilala upang iangat lamang ang ating mga sarili?
Unawa at Pakikinig.Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang salita,ang bibliya,tao at mga pangyayari.Ngunit dahil nakaligtaan nating makinig ng may pang-unawa,nabingi tayo.Tunay na sinabi ng Diyos , “Magsasalita ako sa pamamagitan ng aking salita,at kayo ay making”.Ngunit maraming nakasasagabal upang lubos nating maunawaan ang mensahe ng Diyos.Pinapakinggan lang natin ang gusto nating marinig at kapag ito’y ayaw natin,patuloy tayong nagiging bingi sa tawag ng ating Panginoon.Maaaring marami tayong panalangin at kahilingang nais nating ibigay ng Diyos ngunit may dahilan ang Diyos kung bakit ibinigay at hindi ito ibinigay.Malawak na pang-unawa ay kailangan natin upang mas lalo nating maunawaan ang mga ito.Ang tanong lamng gaano ka ba kahandang tanggapin ang sagot ng Diyos sa kahilingan mo?Papakinggan mo ba ito at uunawain?
Maraming tanong ang patuloy na bumabagabag sa ating lahat.Bago tayo dumating sa huling titik ng ating buhay patuloy sana tayong maging gabay at patnubay ng ating kapwa.
By: Jhomar C. Dela Ros | Arellano Highschool | Balanga, Bataan