SORRY MA, AKO NAMAN

“Hahaha, lampa! Patpatin!” sinunggaban ko ang batang nasa aking harapan, siya’y natigilan. Sa isipan, *Bogsh* “kringgg…kringgg… isa lang ang tumatakbo, naghuhumiyaw nanaman ang orasan, panaginip, tsk! Nakagaganti na sana. Paano ba makatakas sa paaralan? Ayoko na! Wala na akong natutunan, hindi na iyon ang aking pangalawang tahanan. “Anak! Bangon na!” ani ni mama, kung pwede…


“Hahaha, lampa! Patpatin!” sinunggaban ko ang batang nasa aking harapan, siya’y natigilan.

Sa isipan, *Bogsh* “kringgg…kringgg… isa lang ang tumatakbo, naghuhumiyaw nanaman ang orasan, panaginip, tsk! Nakagaganti na sana. Paano ba makatakas sa paaralan? Ayoko na! Wala na akong natutunan, hindi na iyon ang aking pangalawang tahanan.

“Anak! Bangon na!” ani ni mama, kung pwede ko lang sabihin sa kaniya na ayaw ko na po ma, kung alam lang ng aking ina.

Ito nanaman ako limang minutong tatayo sa tarangkahan ng paaralan, nagtatalong mga paa kung itutuloy ang nasimulan. “Hays! Para kay mama.” Buong lakas na humakbang papasok sa aking libingan, oo, LIBINGAN dahil para akong pinapatay sa matatalim na tingin ng aking mga kamag-aral.

Sa aming silid-aralan, habang patungo sa aking upuan.. “Hoy! Patpat pakopya!”, “Hoy lampa!”, alam ko na ‘yan eh wala na bang iba? Tanggap na ng tainga ko lahat ng panunuksong ibinabato, sa panankit na natatamo. Gusto kong lumaban, sumagot at gumanti pero hindi ko alam kung paano.

Ngunit sadyang nanunubok ang itaas, parang gusto niya akong pumiglas.

Isang araw, nang mapadaan, narinig ko ang usapan, “Ano? Ang nanay niya, kasinglansa ng isda? Hahaha!” Hindi ko pinansin, pilit na kinalma ang kamay nagbabadyang kumawala, “hahaha” rinding-rindi, umaalingawngaw ang bulaklak, kitang-kita ang ngalangala sa lakas ng tawa.

“Tiiing…., tanging tinig na narinig ng tainga ko, blangko, wala na akong nakita, wala na akong iba pang narinig, patak ng luha sa sahig, hindi!,  pulang likido ngunit saan galing? Sa mga kamay ko, may bahid ng dugo ang uniporme ko! Bakit? Sila kumakaripas ng takbo? Sorry ma, ngunit, NANALO NAMAN AKO.