Buksan ang ating mga mata ilibot at pagmasdan ang ganda ng kapaligiran. Baka sakali makita mo ang kahalagahan ng bawat tao. Kada guro ay isang bayani na patuloy na dumadami . Dahil sa kanila ang mga estudyante ay natututo , sila ang nagiging hagdan upang unti unting maabot ang minimithing kaunlaran.
Habang tumatagal ay nawawala ang respeto ng bata sa isang guro na ang nais lamang ay mapatuto sila. Ganon na ba ang nagawa ng makabagong teknolohiya .Hamunin man ng bagyo ang mga gurong iyan ay hindi papatinag, makagawa lamang ng aralin sa bawat leksyon na ituturo. Ilang taon silang nag-aral upang maibahagi sa atin ang mga kaalaman nila. Labis man ang kanilang paghihirap, dugo’t pawis man ang ibinuhos , ating silang pahalagahan dahil sa darating na henerasyon tayo naman ang magtuturo at tayo naman ang tatayong guro. Magiging parte ng buhay natin ang pagaaral, iyan ang tandaan mo. Naalala mo pa ba ang bawat guro na naglaan ng oras para ikaw ay matuto? Minsan na rin silang naging kagaya natin, naging estudyante rin sila ngunit hindi nila sinayang ang pagkakataon na ito upang gumawa ng bagay na sisira sa kanilang kinabukasan. Para saan ang pagtuturo nila kung ito rin ay ating binabalewala. Ramdam mo ba na sila ay bayani rin? Sana bilang estudyante ay magkaroon tayo ng disiplina, huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito para matuto. Tandaan mo darating ang panahon na pag ika’y nagloko ang matamis na pangarap mo noon ay isang nakakatakot na bangungot na lang ngayon. Unang beses na magkamali nariyan ang lapis at pambura upang tulungan ka na magbago hindi pa huli ang lahat. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ating ituwid ang ating maling pagtingin sa mga kaguruan. Yakapin mo ang hangin na umiihip sundan mo ang yapak ng iyong pangarap upang iyong kinabukasan ay hindi maging masaklap.
By: Jhonalyn P. Onsan | Teacher II | Bataan National High School| City of Balanga, Bataan