Magsisimula ang pagtatalaga ng Face to face classes sa Bataan National High School- JHS sa mga modular na mag-aaral.Magsisimula ang pagtatalaga ng Face to face classes sa Bataan National High School- JHS sa mga modular na mag-aaral.Muling ilulunsad ang nasabing programa ng pagbubukas ng klase sa face to face sa mga mag-aaral na may pahintulot ng mga magulang, kabilang na dito ang mga mag-aaral sa BNHS-JHS na may fully vaccinated . Bakit kailangan natin na sila ay fully Vaccinated? Upang sila ay may panlaban sa nasabing virus , mahirap ang sitwasyon ng mga kabataang wala pang vaccine.At upang makasiguro tayo na ligtas tayo sa kahihinatnan ng pagbubukas ay gagamit din tayo ng wiver sa mga magulang . tanong ng mga magulang na wala pang vaccine ang anak . ‘’ Pwede po ba na iface to face ang batang wala pang vaccine ? ang sagot hindi po . Sa kadahilanang andyan pa rin si virus .kung sila ay ating isasama mas malamang po na sila ay magkaroon ng nasabing sakit. Kaya po ang Local Government ay tinatawagan ang pansin ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang nasiguro ang kanilang kaligtasan.Hindi ay hindi po sapilitan, kung sino lang ang may kagustuhan .Malaya tayong pumili kung oo o hindi.Kaya ngayong nalalapit ang face to face ay malawakang paggagayak ang isinasagawa ng mga guro sa paghahanda ng silid-aralan na gagamitin ng bawat section.Para sa mga mag-aaral gagawin lahat ng kaguruan ang ikakabuti ng mga supling nila sa loob ng silid -aralan. Muli ako ay bumabati inadvance sa mga gurong handang ibigay ang lahat sa mga mag-aaral upang sa kanilang ikakaunlad. Payo ko sa mga kabataan ‘’ Habang kayo ay bata pa, igayak Ninyo ang inyong sarili sa katagumpayan ng inyong kinabukasan , huwag ninyong ipagwalang bahala ang ginagawa ng inyong mga magulang at guro mapabuti lamang ang inyong katagumpayan
By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS