AKLAT

Marami sa ating mga kabataan na ang turing sa mga aklat ay kanilang mga kaibigan. Lagi nila itong kapiling sa paaralan maging sa kanilang tahanan man.           Sa bawat dahon ng akalat ay mga diwang lihim na unti-unting natutuklasan ng mga kabataan. Bahagi rin ng libangan ng mga kabataan ang magbasa ng ibat ibang uri…


Marami sa ating mga kabataan na ang turing sa mga aklat ay kanilang mga kaibigan. Lagi nila itong kapiling sa paaralan maging sa kanilang tahanan man.

          Sa bawat dahon ng akalat ay mga diwang lihim na unti-unting natutuklasan ng mga kabataan.

Bahagi rin ng libangan ng mga kabataan ang magbasa ng ibat ibang uri ng aklat na nagsisilbing tagapayo sa isipang nadirimlan at sa baku-bakong landas ng kinabukasan ng mga kabataan.

Ang aklat din ay nagsisislbing matibay na moog sa habang panahon upang sa gitna ng unos at malakas na daluyong ay imulat ang isipan at ituon sa tamang landasin pagdatal ng mga taon.

Ang lahat lahat ng katangiang nais matuklasan ay nasa mga aklat na; kultura at kasaysayan ng ibat ibang bansa. Ang aklat ay isang simbolo ng matayog na adhika sa mga kabataang nagsisikap na dumakila.

By: Pinky S. Dy Jongco | Teacher II | Puting Buhangin Elementary School | Orion, Bataan