ALLIED SUBJECTS PARA SA ISANG PERFORMANCE TASK

Napakaganda ng programa ng School Division of Balanga City na kasalukuyang ginagamit at inaadopt ng mga guro para sa kanilang mga mag-aaral. Ito ay ang subject integration sa mga performance tasks na ipapasa ng kanilang mga estudyante. Mayroong mga allied subjects kung saan iisang output lamang ang ipapasa ng mga bata sa kanilang  mga guro.…


Napakaganda ng programa ng School Division of Balanga City na kasalukuyang ginagamit at inaadopt ng mga guro para sa kanilang mga mag-aaral. Ito ay ang subject integration sa mga performance tasks na ipapasa ng kanilang mga estudyante. Mayroong mga allied subjects kung saan iisang output lamang ang ipapasa ng mga bata sa kanilang  mga guro. Ang mga allied subjects ay ang Math, Science, at English samantalang ang Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapahalaga at Mapeh naman ang magkakasama. Ang mga guro ay nagkaroon ng mga konsultasyon at pagpupulong upang makagawa ng iisang activity na maaring ibigay sa mga subjects na kaallied nito. Naging mahirap ito para sa mga guro ngunit ito ay naging napakagaan naman para sa mga estudyante. Nagkakaiba-iba lamang ito sa pamantayan o rubrics na ginagamit ng mga guro upang markahan ang mga output ng mga mag-aaral. Isa ito sa mga estratehiyang malaki ang naitutulong sa mga bata dahil sa hindi na nila kailangang gumawa ng napakaraming output sa iba’t ibang subject. Bukod dito ay natututo din silang pag-isipan ang kanilang mga output na ipapasa kung ito ay aakma sa mga allied subjects.

By: Mayette G. Garcia | Teacher III | BNHS