“ALS, Ngayong may K12”

Ngayong may bagong kurikulum na gagamitin sa larangang ng edukasyon, Ano na nga ba o saan na patutungo ang Altertnative Learning System o ang mas kilala sa tawag na ALS? Ano ba ang magiging epekto nito sa programang ito ng Departamento ng Edukasyon?             Mula’t- mula pa ay batid naman ng lahat na maraming kabataan…


Ngayong may bagong kurikulum na gagamitin sa larangang ng edukasyon, Ano na nga ba o saan na patutungo ang Altertnative Learning System o ang mas kilala sa tawag na ALS? Ano ba ang magiging epekto nito sa programang ito ng Departamento ng Edukasyon?

            Mula’t- mula pa ay batid naman ng lahat na maraming kabataan ang di – nakakapagpatuloy o di – nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa elementary lalo’t higit na sa sekondarya sa napakaraming kadahilanan, isama na ngayon ang karagdagang taon sa pormal na pag-aaral. Ito na nga ba ang magiging solusyon sa pagkakaroon ng kwaledad ng edukasyon o pinatagal at pinahirapan lang ang mga mag-aaral at higit sa lahat ang mga magulang dahil sa kadaragdagang gastusing ito?

            Sa pormal na pag-aaral samut – saring reaksiyon ang ating maririnig. Mayroong pumapayag at mayroon naming tumututol. Ngunit sa Alternative Learning System, ano nga ba ang magiging epekto nito?

            Talos ng lahat na ang mga napupunta sa ALS ay ang mga bata o mag-aaral na hindi makayanan ang tagal ng oras, araw at taon ng pag-aaral sa pormal at ang ilan naman ay nagkaroon ng mga iba’t – ibang problem kung kaya’t sila’y hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral.

            Ngayong may K12 ano na nga ba ang magiging papel ng ALS sa larangan ng edukasyon? Mababawasan ba ang mga kabataang nabibigyan nito ng serbisyo o lalo pang madaragdagan ang mga ito?

            Kung ating pag-aralan ang mga nakaraang datos, sa aking palagay ay patuloy pa ring darami ang makikinabang sa programang ALS, dahil sa dagdag na taon sa pag-aaral sa pormal at malamang itaas din ang edad na maaaring tanggapin ditto. Kung dati rati sa elementary ay edad labindalawa (12) baka ito ay maging labintatlo o labingapat (13-14) at kung sa sekondarya naman ay labinlima (15) ito ay maging labinganim o labingpito (16-17) na.

            At bukod dito, maraming pagsasanay / pag-aaral ang maaaring isagawa para sa mga nagpapatupad nito upang nang sa ganon ay hindi mahuli sa pagbabago sa larangan ng edukasyon ang mga ito. Dahil di lang minsan napatunayan na maraming kabataan, at may edad na ang lubhang natulungan at nabago ang buhay ng Alternative Learning System.

            Kaya’t kahit na may K12 patuloy pa ring namamayagpag ang ALS sa pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga nangangailangan nito.

By: Victor R. Lazaro | Teacher III | DALSC | ORION, BATAAN