Ang Aking Guro

Saan man magtungo, saanman magpunta Pinanday na karunungan na ikaw ang may gawa Sa isip nakatatak mga aral na ipinunla Gamitin sa lahat ng oras lalo na sa tama Aking ipinagmamalaki kahit kaninuman Ibinigay mong mga aral at karunungan Aking ipagiibayuhin kahit saanman At maging malakas para sa magandang kapalaran Karunungan taglay sa’yo nagmula Kagandahang…


Saan man magtungo, saanman magpunta

Pinanday na karunungan na ikaw ang may gawa

Sa isip nakatatak mga aral na ipinunla

Gamitin sa lahat ng oras lalo na sa tama

Aking ipinagmamalaki kahit kaninuman

Ibinigay mong mga aral at karunungan

Aking ipagiibayuhin kahit saanman

At maging malakas para sa magandang kapalaran

Karunungan taglay sa’yo nagmula

Kagandahang asal sa puso ko’y tinudla

Di mapapantayan galing mong taglay

Di ka makakalimutan, maikli man itong buhay

By: Wilson L. Saliente Jr.