Ang Aking Home Visitation

Bawat guro ay maraming problema tungkol  sa kanilang  mga mag-aaral , isa na rito ay palaging liban sa klase .Nagkaroon  ako ng ganitong problema kalilipat ko lang sa Grade VI- 5 pangatlo mula sa mababang section sa  aming paaralan . Hindi ko  naranasan sa Grade III-1 na aking inalisan . Dahil sa kagustuhan  ko ang…


Bawat guro ay maraming problema tungkol  sa kanilang  mga mag-aaral , isa na rito ay palaging liban sa klase .Nagkaroon  ako ng ganitong problema kalilipat ko lang sa Grade VI- 5 pangatlo mula sa mababang section sa  aming paaralan . Hindi ko  naranasan sa Grade III-1 na aking inalisan . Dahil sa kagustuhan  ko ang mga bata sa grade na aking tinuturuan sa kasalukuyan ay maging aktibo at maiwasan ang pagliban sa klase  . Nag conduct  ako ng Home Visitation at tatlong mag-aaral aking pinasyalan sa bahay .Sa aking pagbisita sa kanilang bahay . May iba’tibang mga natuklasan ako sa aking pagpunta sa kanila.

                        Unang mag-aaral aking binisita ay  ang batang babae na si Rosanna , nakilala ko  ang ama pala ay aking dating mag-aaral noong nasa grade III pa ako.Nang makilala ko siya  nabigla pa ako .Una wala pa ang aking mag-aaral kaya pinahanap pa nila .Habang hinihintay namin ang aking mag-aaral at  nag-usap kami kasama ang ina tungkol sa palaging pagliban sa klase ay maya-mayadumating na ang aking mag-aaral..Wala naman daw problema sa kanila at nasusunod naman ang pangangailangan  ng anak .Talaga lang sa anak nila na gusto palagi mag –absent. .Palagi daw nga nila siyang napapagalitan sa pagliban at tumatakas sa kanila kapag gusto mag-absent sa klase.Kaya napagsunduan namin na subaybayan nila at nangako rin ang bata sa akin na papasok na siya araw –araw .

                        Pangalawa kong binisita  ay binatilyong  lalaki na si Jossiepher .Siya ang unang  nakakita sa akin   na papunta sa kanila.Nang makita ako   siya ay nagtago sa kabilang daan .Sinabi ng isa ko pang pupil ko nasumama sa akin na nagtago raw ang aking mag-aaral na ito.Pero   tumuloy pa rin ako sa kanilang munting tahanan .Nadatnan ko ang kanyang  ina at doon ko nalaman na minsan  hindi   umuuwi sa kanilang bahay   dahil sumasama sa naglalaot  na  kapitbahay nila na may bangka  at doon na rin natutulog sa bangka.Tuwing umaga nagbubuhat  kung anu-ano ang maiutos ng mga kapitbahay palibhasa ang batang ito labing-anim taon gulang na ang edad kaya natuto na maghanapbuhay .Ang sabi ng nanay ay di daw sumusunod sa kanya dahil hindi lumaki sa kanila at lumaki sa mga magulang ng asawang  lalaki sa Maynila ,kaya naibalik sa kanila may isip na dahil namatay na ang parehong nag-alagang  matatanda . May takot daw sa ama ,kaso lang lingguhan lang din umuuwi ang ama dahil nagtatrabaho sa construction.Binibigyan din daw siya ng anak niya kapag ito ay may kita ,nagdadala ng isda at bigas. Maya-maya  dumating  at pumasok  ang aking mag-aaral na ito .Umupo sa tabi ko,nahiya  .Kinausap ko siya kung bakit niya ako pinagtaguan,  ang sagot niya nahiya daw siya sa akin dahil ako pa daw ang  nagpunta sa kanila at nagsorry siya sa kanyang ginawang pagkamali.Tinatanong ko siya kung may pangarap siya sa buhay ang sagot niya “opo”.Gusto mo ba habang buhay maging kargador ka ang sagot  niya, “ayaw ko po”. Kaya ang sabi ko sa kanya na pumasok siya araw –araw.Sa huli naming pag-uusap nangako siya na papasok at nakiusap siya na minsan liliban dahil maghahanapbuhay siya para may baon .Hindi na ako kumibo dahil dama ko ang kanilang kahirapan at may apat pa siyang kapatid na maliliit..

                       

                     Pangatlo kong binisita ay si Lucky John. Iba naman ang kwento ng buhay .Lumaki din ito sa lola ngunit  ang magulang ay nasa Visayas ang ina pabalik-balik dito sa Bataan minsan magtitigil ng ilang buwan sa kanila .Sa kuwento ng lola , siya nagpalaki sa bata .Noong June ang ina ay umuwi sa Visayas. Sinasabi ng bata na gusto niya sumama sa ina .di naman daw pinansin dahil ito magtatapos ng Grade VI. Palagi naman ito pumapasok sa school. Buwan ng October  na obserbahan na madalang na pumasok kaya binisita ko  na .Doon natuklasan ng lola na akala niya pumapasok araw-araw yon pala ay hindi. .  May nagkuwento na kaklase na nasa PESO –Internet  nakikita lagi nila .Kinausap namin siya at sinabi niya ang totoo.Nanghingi ng paumanhin ang lola talaga daw napabayaan niya dahil abala  siya sa pagtitinda at may inaalaagaan pa siyang isang apo.At ang sabi ng lola ipahatid  niya sa isa pa niyang  anak sa school upang di na ito lumiban pa dahil may takot sa tiyuhin.

                    

Pang- apat kong binisita ay si Eljay .Ang kuwento naman  niya ay ang  ina ay naghahanapbuhay sa gabi..Dahil siya ay panganay , siya ang  tagapag-alaga  ng kanyang tatlong  kapatid at ang bunso  ay isang taon pa lamang  .Sabi ng ina , tuwing umaga pinapapasok niya  kaso lang tinatamad at inaantok pa dahil siguro sa pag-aalaga ng bunsong kapatid sa gabi Sa pagbisita ko sa kanilang tahanan doon ko nalaman na wala na pala siyang ama dahil nagpakamatay noong June dahil sa  pagseselos sa asawa. at nagkaroon ng  depresyon. . Nalaman  ko rin na ang inang si Juvelyn at dati kong mag-aaral ng ako’y nasa Grade III pa .Kaya kinausap ko nang masinsinan ang ina na papasukin niya ang kanyang anak dahil na pagnakatapos na ay makakatulong din sa kanya upang maiaahon sila sa kahirapan.Nangako ang ina na pagsumikapan niya papasukin niya ito araw-araw.

Panglima  kong binisita ay si Denver Johnzel  Isang payat na bata . Ito marahil ang dahilan na palaging liban sa klase.Sabi ng magulang  lagi daw nagkakasakit dahil sa mahinang  kumain at kulang sa masustansiyang pagkain .At ang sabi pa ng magulang dahil sa kahirapan kung kaya hindi nasusunod ang wastong  nutrisyon sa  pagkain .Kaya nahihirapan sila sa kanilang buhay dahil apat ang anak at isa pa ang binubuntis. Ang hanapbuhay ng ama ay pagkakarpintero Ngunit nangako ang mag-asawa na papasukin nila kapag gumaling na.

                 Sa pagbibisita ng guro sa mga batang palagingliban sa klase  nalalaman niya ang  mga problema ng bawat isa lalo na ang mga bata .Iba’t –ibang ugat ng problema mayroon ang mga bata .Bilang guro  ibigay pa rin natin ang solusyon para sa kabutihan ng mga bata .upang matupad ang kanilang mga pangarap.Ang solusyon nito ay pagkakaroon ng mahabang pasensiya ,unawain ang kanilang  kalagayan sa buhay at magkakaroon tayo ng puso sa araw-araw nating pakikibaka bilang guro .

By: Rizalyn P. Manio | Teacher III | Cabcaben Elementary School | Mariveles, Bataan