Mga kapwa ko Punong-Guro, mga Guro, mga mahal na magulang, mga mag-aaral, iba pang mga kawani ng paaralang ito, mga panauhin, isangmagandang araw sa inyong lahat . Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang isang taong lubos kong hinahangaan. Taglay niya ang mga katangian ng isang tunay na punong-guro. Kung di pa ninyo siya kilala ay ikinagagalak at ipinagmamalaki kong ipinakikilala ang aking idolong Punong-Guro.
Pagdating niya sa paaralan sa umaga ay napakalinis at presko niyang tingnan sa kanyang uniporme na para bang bagong laba ng isang kilalang soap powder. Katunayan kapag siya ay napadaan sa tabi mo, masasabi mo na lang na ”Pareho pala kami ng brand ng soap powder na ginagamit sa damit.”
Kung tungkol sa kanyang presensiya sa paaralan ay para siyang bituin. Kahit mo siya nakikita, ay alam mong nandiyan siya at handa kang tulungan at bigyang liwanag ang mga problema.
Kung ikaw ay isang guro at nahuli ka sa iyong klase, pagsungaw mo sa pinto ay makikitamo na siya ang nagtuturo sa mga bata. Ngunit sa halip na siya’ymagalit, buong giliw ka pa niyang tatanungin , “ Iha, bakit ka na- late ?” Kahit pa anong babaw ng iyong dahilan ay tatanggapin pa din niya, ngunit ikaw ay kakausapin niya at sasabihing, “Iha, wag na sanang maulit ito”. Wala kang magagawa kundi ang mapasagot ng “Opo, Sir.”
Kumustahin mo naman siya sa oras ng kanyang pag o-observe ng klase. Maaaring dahi lsa nerbiyos ay makailang ulit mong naitanong, “ How did you spent your vacation class? “ Nasundan pa ng iyong tanong na “ Class, what is the Passive Voice of “The dog ate the food.” May isang nagmamarunong- marunungan na sumagot ng “Sir ang passive voice po ng The dog ate the food ayThe food ate the dog po.” “Okey,” angsabimo “Very Good Michael.” Kung nagkataong nakatingin ka daw sa mukha ni Sir ay makikita mo siyang naka- tiger look siya sa iyo.
Mabanda naman tayo sa sa kanyang pakikipag-ugnayan at relasyon sa PTCA, o iba pang asosasyon sa pamayanan , ang sabi daw niya siya ay hindi guro o punong-guro, siya daw pala ay isang “fund-raiser”,” public relations officers”, o kaya naman ay “ambassador of goodwill.” Wala siyang tulong na hiningin at pinahindian. Tunay na siya ang punong-guro ng 21st century.
Sa discipline, kalinisan at pagmamahal sa kapaligiran ay walang tatalo sa kanya. Mas maaga pa siyang dumating kaysa sa Utility Worker ng paaralan upang tingnan kung malinis ang mga palikuran, nadilig ang mga halaman o makintab na sahig ng opisina.
Hindi mo rin siya maaakusahan ng graft and corruption, dahil puro malinis ang reimbursement cash advances at liquidations.
Napakalakas ng kanyang sense of humor sa kanyang mga guro at iba pang kawani. At para maipakita niya ang mga inobasyon sa pagtuturo, ipinapakita niya ito sa mga meetings o LAC Sessions. Sukdulang siya ang mag-rap, magselfie, magknock-knock o magtanong ng halimbawa, “ ComputerKa Ba? ”Sasagot naman ang mga kaharap ng “Bakit”? At mauunawaan nila ang ibig sabihin ni Sir na “innovation” o sa mga paraan at istratehiya sa pagtuturo.
Sa pakikisama o human relation naman, ay para kang“nakahukay ng ginto, “ sabi nga, One in a Million , parang mas mabilis pa siya kay Fernando Poe sa pagkasa ng baril, pagdating sa bayaran ng pamasahe kung sakaling makakasasakay ka niya, pero ikaw naman sa sarili mo , upang di na muling mangyayari na tila abuso na, ay kusa ka nang iiwas na makasabay mo siya, dahil hindi ka mananalo sa bilis ng pagdukot ng pamasahe.
Tunay na isa siyang inspirasyon, isang idol pagdating sa pagpaplano, sapagko- control, paghahanda ng mga layunin, sa pakikipag-ugnayan, sa leadership o pangunguna .
Pero sabi nga, hindi lahat ng oras ay “blissful moment” sa school at sa punong-guro. Kahit gaano siya kaepektibo ay madalas ay nalalagay din siya sa alanganin sa kanyang mga staff, superbisor, mag-aaral, mga magulang at pamayanan.
Para sa akin, kahit ano ang sabihinnila, kung may kakayahan siyang malinang ang kakayahan ng mga guro at paaralan upang makamit ang mataas na antas ng achievement level, para sa lahat, mananatili siyang isang inspirasyon at idolo.
By: Noel T. Lagman | Principal II | Cabcaben Elementary School Mariveles District