Ang Bagong Simula “Eleksyon 2016”

Kamakailan lamang ay ginanap na ang National Election sa ating bansa. Marami ang nagbitiw ng pangako , pagbabago at kaunlaran sa bansa. Kaya’t maraming Pilipino ang umaasang darating ang panahon na ito. Nawa’y naging matalino ang bawat isang Pilipino sa piniling manunungkulan sa ating bansa .At maging bukas ang kanilang isip sa bawat Pilipinong uhaw…


Kamakailan lamang ay ginanap na ang National Election sa ating bansa. Marami ang nagbitiw ng pangako , pagbabago at kaunlaran sa bansa. Kaya’t maraming Pilipino ang umaasang darating ang panahon na ito.

Nawa’y naging matalino ang bawat isang Pilipino sa piniling manunungkulan sa ating bansa .At maging bukas ang kanilang isip sa bawat Pilipinong uhaw at gutom dulot ng kahirapan .Umaasa ang mga Pilipino na ito na ang pag babagong inaasam-asam ng mga taong salat sa buhay.

Na ang bagong mamumuno ay may kakayahang arugain ang kanyang Inang Bayan. May pantay-pantay na pakikitungo lalo na sa mga mahihirap . Walang api at walang mahirap o mayaman sa kamay ng Batas.At pinunong hindi bulag-bulagan sa mga taong nalugmok na sa kahirapan , gayon din ang pinunong hindi bingi sa hinaing ng mga kumakalam ang tiyan na mga kabataan.

Ito na nga ang bagong  simula. Umaasa ang bawat isa at ang Pilipinas sa pagbabago . Upang ang mga susunod na henerasyon ay masilayan pa ang bansang maunlad , masagana at mapayapa.

Sa mga kandidatong pinagkatiwalaan ng sambayan ang Pilipino. Nawa’y silay magingtulay sa bagongpag-asa.

By: Jenilla Mae O. Rodrigo