ANG BUHAY MAESTRA SA PANAHON NG PANDEMYA

Ningning ng chalk ay nalaos Nang mauso ang tiktok Bago pa man nagka covid 19 Laganap na sa ating mga screen Pasiklaban sa pagsayaw at galling sa paggalaw. Kaya’t ang kagawar’y ‘di magpapahuli sa pag-iisip ng diskarte “Sulong, Edukalidad, para sa bata, para sa Bayan” Distance Learning Modality ang nagging kasagutan. From classroom to chatroom…


Ningning ng chalk ay nalaos

Nang mauso ang tiktok

Bago pa man nagka covid 19

Laganap na sa ating mga screen

Pasiklaban sa pagsayaw at galling sa paggalaw.

Kaya’t ang kagawar’y ‘di magpapahuli

sa pag-iisip ng diskarte

“Sulong, Edukalidad, para sa bata, para sa Bayan”

Distance Learning Modality ang nagging kasagutan.

From classroom to chatroom

Tuloy ang online class gamit ang Zoom

Teknolohiya’y namayagpag sa pagbibigay-daan

Upang maihatid ang karununga’t kaalaman.

Tuloy pa rin ang tungkulin ng gurong maibigin

Lahat kaniyang gagawin, matupad lang ang hangarin

Na ang bata ay akayin sa landas na dapat tahakin

Upang balang araw, sila’y maaasahan nitong bayan natin.

Buhay ng mga maestro at maestro

Sa panahon ng pandemya ay hindi biro talaga

Work from home ba ika mo?  Opo, real na real ito

Virtual class kung tawagin, high tech nga kung tutuusin.

Online classes sa umaga, nagmomodyul tutukan pa

Sa gabi nama’y nilalamay, LAS na pang lingguhan

Upang may nakahanda na

Sa kasunod na linggong muling pagkikita.

Dahil virus nga lang ‘yan

At di nakikitang kalaban

Kalusugan ay ingatan

At nang di ka madapuan.

Marami ang nagkukwestyon sa aming natatanggap na kompensasyon

Alam ba nila ang konsumisyon maging pagtaas ng altapresyon

Sila kaya ang lumagay sa aming sitwasyon

Kaya ba nila ang biubuhos na debosyon sa aming propesyon?

Bakit di na lang iwasan ang pagtuligsa sa kagawaran

Sa halip ay makipagtulungang maitawid itong bayan

Sa krisis na pinagdadaanan nitong sambayanan

H’wag ka nang dumagdag pa sa sakit ng lipunan.

By: Lilibeth M. Maldupana | Teacher II | Kalalake Elementary School