ANG BUHAY NG ISANG ATLETA

Tunay nga na napakahirap Ang buhay ng isang atleta Kung saan-saan pumupunta Para manalo ng medalya Mararanasan mong bumyahe ng napakahaba At maligo ng napakaaga Kailangan mo ring pumila sa palikuran At silid-aralan ang iyong tulugan Hindi lamang ito ang kailangan na pagdaanan Dahil higit pa rito ang dapat na kasanayan Mahihirap na ehersisyo at…


Tunay nga na napakahirap

Ang buhay ng isang atleta

Kung saan-saan pumupunta

Para manalo ng medalya

Mararanasan mong bumyahe ng napakahaba

At maligo ng napakaaga

Kailangan mo ring pumila sa palikuran

At silid-aralan ang iyong tulugan

Hindi lamang ito ang kailangan na pagdaanan

Dahil higit pa rito ang dapat na kasanayan

Mahihirap na ehersisyo at mga ensayo

Para makamit ang minimithing panalo

Ganito man ang buhay ng isang atleta

Ay walang kapantay na ligaya

Kapag ikaw ay nakakapagdala

Ng karangalang walang kapantay na halaga

Sa kabila naman nito ay karangalan

Na ikaw ay siyang kumakatawan

Sa iyong mahal na paaralan

At maging ng iyong sariling bayan

 

By: Rose Ann S. Merto | Teacher III | Olongapo City National High School