Bawat isa sa atin ay may pangarap, Maliit o Malaki man. Sa pagtupad sa ating Ambisyon, dapat magsimula sa pagsisikap na makakuha ng sapat na kaalaman upang mapaunlad ang sarili.
Sa pagtahak sa karunungan, ang buhay ay dapat may matibay na pundasyon at yun ay manggagaling sa masikhay na pag-aaral. Ang Edukasyon ang magtuturo ng Direksyon sa Buhay na may katuturan at pakinabang. Sa Edukasyon masasalamin ang ganda at liwanag ng buhay na sagana. Huwag nating Sayangin ang bawat PINTIG ng Buhay.
By: Roberto G. David | Teacher III | Limay National High School | Limay, Bataan