Ang Gantimpala ng Pagiging Guro

Apat na taon, binuno sa pag-aaral sa kolehiyo…. Masteral pag masipag mag-aral at may sapat na  kaperahan. Nagpakadalubhasa pagkatapos nito , maituro lamang sa mag-aaral ang mga kaalamang natutunan. Ngayong ganap na guro na, layunin ay makapagturo sa mga mag-aaral na salat sa kaalaman… sa kabila ng kakulitan… patuloy nagbabahagi ng kaalaman  sa mga batang…


Apat na taon, binuno sa pag-aaral sa kolehiyo…. Masteral pag masipag mag-aral at may sapat na  kaperahan. Nagpakadalubhasa pagkatapos nito , maituro lamang sa mag-aaral ang mga kaalamang natutunan.

Ngayong ganap na guro na, layunin ay makapagturo sa mga mag-aaral na salat sa kaalaman… sa kabila ng kakulitan… patuloy nagbabahagi ng kaalaman  sa mga batang bahagi na ng aming buhay. Masarap, mahirap, pero kakayanin dahil sinumpaang tungkulin ay para sa mga batang kailangan ng gurong lilingap at magbibigay ng natatanging kaalaman na sa paaralan lamang maibibigay.

Masarap, mahirap pero kaya naman dahil sa mga mag-aaral na pagkatapos mahawakan , pagkalipas ng ilang panahon ,ikaw ay babalikan at ibibigay mga papuring di mo inaasahan. Tagumpay nila ay tagumpay din ng gurong naging bahagi ng kanilang buhay. Mahirap maging guro ngunit sa panahong ang mga mag-aaral ay naging matagumpay sa buhay, ang pagtuturo ay tunay na masarap sa pakiramdam.

By: Enriqueta G. Uman|Teacher III|Olongapo City National High School | Olongapo City