Isa ang sektor ng edukasyon na labis na naapektuhan ng corona virus disease (covid 19 pandemic) at nagdulot ito ng malaking epekto sa pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral. Malaking hamon din ito sa Kagarawan ng Edukasyon (DepEd) sa kung paano maiaabot ang edukasyon sa mga milyung-milyong mag-aaral dito sa Pilipinas sa kabila ng walang face-to-face teaching. Malaki rin ang epekto nito sa mga guro dahil panibagong adjustment ang kanilang gagawin upang maihatid ang kalidad na edukasyon sa kanilang mga mag-aaral. Mula sa kinasanayang pagtuturo gamit ang pisara, yeso, whiteboard, tekbuk, at iba pang mga kagamitang pampagtutro patungo sa online modality na kung saan kahit ang ilan o karamihan sa mga guro natin ay “pakapa-kapa” o walang sapat na kasanayan sa makabagong teknolohiya na ito lamang paraan upang matugunan ang hamon ng pandemya sa sektor ng edukasyon.
Sabi nga nila “ang mundo ay hindi titigil sa pag-ikot”, dapat rin ang paghahatid ng kalidad na edukasyon sa ating mag mag-aaral ay hindi dapat tumigil. Sa kabila ng ating limitadong pagpunta at pagpasok sa mga paaralan dahil sa banta ng covid 19 sa mga guro at mag-aaral ay naglunsad ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng bagong pamamaraan o metodo ng pagtuturo na maihatid ang kalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral saan ang panig ng ating bansa.
Ito ang Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP), ito ay pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng distance learning sa pamamagitan ng paggamit ng mga self-learning module gaya ng mga printed module, radyo, telebisyon at internet.
Ano ka nga ba ang Distance Learning?
Ang Distance learning ay isang pamamaraan ng pagtuturo na kung saan ang guro at mga mga-aaral ay magkalayo sa isa’t isa, hindi nangangailangan ng pisikal na presenya sa paaralan at hindi rin ito nalilimitahan sa online learning lang. Mayroong tatlong uri ng learning modalities na nakapaloob dito; ang Online Distance Learning, Modular Distance Learning, at Self-learning module gaya ng radyo at telebisyong pagtuturo.
Anumang uri ng distance learning ang gagawin sa pagitan ng guro ng mg mag-aaral ay makakatulong ito sa pagtuturo at pagkatuto. Malinaw rin na sinasabi na hindi hadlang ang pandemyang ito sa pagkakaroon at pagkakamit ng isang kalidad na edukasyon. Patunay rin na malaki ang papel ng mga guro sa paghuhubog sa katauhan at kaisipan ng mga mamamayang siyang bubuo ng isang bansa kayat siya ay nagtatatag ng isang bansa na humaharap at nasa sa gitna ng pandemya,
By: Ms. Ghecela Marie Chris Garcia | Teacher I | Bataan National High School | Balang City, Bataan