Napakaraming pagkakataon na sinasabing maraming tao ang nakakuha ng inspirasyon mula sa kanilang mga guro. Iba’t –ibang kuwento ang maririnig mula sa mga taong ito.
Maraming guro ang nakapagbigay ng inspirasyon sa kanilang mga estudyante upang mag-aral din ng kursong pagtuturo sa kolehiyo. May mga nakakuha ng inspirasyon mula sa kanilang mga guro sa iba’t-ibang kadahilanan.
- Ang kanilang naging guro ay napakagaling magpaliwanag ng kanilang mga aralin.
- Ang kanilang naging guro ay nagtataglay din ng maraming mga magagandang katangian. Halimbawa, siya ay mahusay magdisiplina ng mga estudyante. Lahat ng kanyang estudyante ay mga disiplinado.
- Palagi siyang may nakahandang ngiti sa kanyang mga labi para sa kanyang mga mag-aaral..
- Dunadalaw siya sa mga mag-aaral na may karamdaman at ilan araw nang hindi nakapapasok.
- Kung hindi gaanong nauunawaan ang aralin ay palagi siyang handing ulitin ang pagpapaliwanag sa aralin, hanggat ang bawat isa ay nauunawaan ito.
- Magaling siyang makisama sa kanyang mga kapuwa guro, maging sa kanyang Punong-guro
- Wala siyang tutol sa mga pagtulong sa kanyang kapuwa guro at sa mga gawaing iniaatang sa kanya.
- Handa siyang maghanda ng mga iba’t-ibang inobasyon para sa ikabubuti pa ng kanyang mga aralin.
Walang dahilan upang hindi mahalin ang ganitong mga uri ng mga guro.
By: JACQUELINE R.DELA ROSA | Teacher I | Samal National High School | Samal, Bataan