Titser… Guro… Ma’am…kahit ano pa man ang tawag, iisa pa rin ang gampanin. Subalit, paano nga bang mailalarawan ang isang guro sa panahong ito na masasabing modernong panahon?
Ating balikan ang kwento ni Juan dela Cruz: Isang simpleng tao na sa kabila ng mga balakid sa kanyang tinanguang tungkulin, ang lahat ay nagagawa ng maayos, ipinagmamalaki ang kanyang trabaho at nasisiyahan sa kanyang ginagawa. Ngunit sa panahon ngayon, ito pa kaya ang larawan ng isang Guro? Parehong gampanin subalit iba na ang mundong ginagalawan. Nasisiyahan pa kaya siya sa trabahong meron s’ya? Nagagampanan pa kaya niya ang tinanguang tungkulin. Ipinagmamalaki pa kaya niya ang kanyang trabaho? Nasisiyahan pa kaya siya sa suweldong tinatanggap o nanghihingi ng karagdagang umento sa sweldo? Kulang nga kaya ang suweldo o sobra ang nakagawiang istilo ng pamumuhay? May mamahaling gadgets; celphone na android, tablet na may wifi, may ipad , at may netbook at subscription ng internet.. at kung anu-ano pa, masabi lamang na nakauso at naka – in sa moda. Ito ang mga bagay na para bang… ito ang pinagkukunan ng saya, subalit mga bagay na pinagmumulan ng problema lalo na sa usapin ng pera… ito nga ba ang sentro ng SAYA o may mas mahalaga pa ? Kasya nga ba o kulang pa? IKAW…… ANO SA IYONG PANANAW?
By: Jane L. Mason | Teacher III | Kitang Elem. School | Limay, Bataan