ANG KAGANDAHANG ASAL – REALITY CHECK UP

Sa panahon ngayon isa sa mga susi ng tagumpay ay ang maayos na pakikipag-ugnayan kaninuman na maaring maganap pamamagitan ng mabisang pagsasalita o pagsusulat. Kadalasan sa pang araw –araw nating pamumuhay ay pagsasalita o pakikipag-usap ang ating ginagamit.Upang mas maging epektibong kausap ay may ilang tips na dapat tandaan sa pakikipag-usap. 1.Iwasan ang panglilito sa…


Sa panahon ngayon isa sa mga susi ng tagumpay ay ang maayos na pakikipag-ugnayan kaninuman na maaring maganap pamamagitan ng mabisang pagsasalita o pagsusulat. Kadalasan sa pang araw –araw nating pamumuhay ay pagsasalita o pakikipag-usap ang ating ginagamit.Upang mas maging epektibong kausap ay may ilang tips na dapat tandaan sa pakikipag-usap.

1.Iwasan ang panglilito sa kausap para lamang tanggapin ang puntos na nais niyang bigyang-diin.Sa ganitong uri ng pag-uusap ay nakakaramdam ng panliliit ang kausap mo.

2.Ilagay sa tamang lugar ang pagiging palatawa.Sa ganitong kalagayan ay siyang-siya sa katatawa ang nagkukuwento kaya’t wala siyang tigil sa katatawa habang nagsasalita.Sa ganitong pangyayari ang kausap ay nayayamot kaya’t hindi na magawang tumawa kahit may bahaging katawa-tawa ang isinasalaysay.

3.Ang hindi pakikinig-May mga taong hindi binibigyang pagkakataong makapagsalita ang kausap at siya naman ang magiging tagapakinig.Mahirap linangin ang ugaling maging mabuting tagapakinig sapagkat karamihan sa mga tao ay mahilig magsipagsalita.

4.Ang ugaling ipakita ang kawalang ganang makinig sa ikinukuwento ng kausap sapagkat alam na niya ang sinasabi nito. Kung minsan naman ay hinahayaan munang dumating sa kasukdulan ang nagkukuwento at ditto sa bahaging ito biglang puputulin na naglalagay sa kausap sa kahiya-hiya at katawa-tawang kalagayan.

5.Ang pagiging atrasado sa pagbibigay kahulugan sa mga sinabi ng kausap- May mga taong pagkaraan ng dalawang linggo ng pakikipag-usap ay saka babalik at sasabihing nauunawaan na niya ang ibig sabihin ng kausap. Magugulat pa ang pinagsabihan at pilit gugunitain ang kanyang mga sinabi noong nakaraang dalawang linggo.

6.Ang pagiging palapintasin- Ang ganitong uri ng tao ay hindi nagpapahalaga sa damdamin sa pagsasabi ng kanyang saloobin sukdulang ito ay nakapagpapasama ng loob ng kausap. Pinipintasan nang harapan ang mga bagay na may kaugnayan o kinalaman sa kausap.Maliit na maliit ang pag-asang ang ganitong uri ng tao ay makalahok sa mabisang pakikipag-usap.

Ngayong nailahad na ang ilang mga bagay na hindi dapat ugaliin sa pakikipagtalastasan inaasahan na ang mga ito ay maisasagawa para mas maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa-tao. Sabi nga nila , “It’s not what you say but how you say it that matters,” sa kawikaang Ingles.

By: Bb..Joy Ann Bernardo | Teacher I | Panilao Elementary School | Pilar,Bataan