Ang Kahalagahan ng Pagbabasa sa ibat ibang aspeto

Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming bentahe na makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya, kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag…


Ang pagbasa ay isang magandang gawain kung kaya’t maraming naidudulot na magandang bagay sa isang tao. Hinggil sa hilig at interes nito, maraming bentahe na makukuha rito. Ito ay ang tuwid na instrumento upang makuha at makilala ng lubusan ang mga ideya, kaisipan at damdamin ng isang tao sa mga sagisag o titik na nakalimbag sa mga pahina upang maibigkas ito sa pamamagitan ng pasalita. Mahalaga ang pagbasa sa buhay nga bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, kung baga ito ang gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.

Ang pagkahilig sa pagbasa ay nalilinang kung nagbibigay ang tao ng humigit-kumulang na tatlumpung minuto araw-araw para sa gawaing pagbasa. Sa mga aklat at iba pang babasahin nakakakuha ng mga ideya at mga salitang iniimbak sa utak. Nagbibigay-liwanag ang mga ito sa mga bagay na di natin batid. Ang pagiging ignorante natin sa maraming bagay ay nabibigyang katugunan ng maraming aklat at babasahin. Anuman ang maging layunin ng tao sa kanyang pagbabasa, ang mahalaga ay makuha o maunawaan niya ang esensya o kahalagahan nito sa kanyang buhay. Ngunit dapat tandaan ng isang nagbabasa na anumang babasahin na kanyang binasa ay di-totoong nabasa kung di niya natamo ang komprehensyon o pag-unawa.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga mag-aaral upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.

Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto. Ipinaliwanag ni Johnston (2000) na ito’y isang kompleks o masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anomang binabasa natin ay maaaring isulat at ang anomang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman. Ayon naman kay Baltazar (2017), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa.

Ang pagbabasa ay sa lahat ng oras at sa lahat ng edad, ay isang mahusay na mapagkukunan ng kaalaman. Ngayon ang kakayahan na magbasa ay lubos na nagpapayaman at nagpapahalaga para sa panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad. Sa mundo ngayon na may yamang marami pang iba upang malaman at upang palawakin din ang pangangailangan para sa isang nakakamalay na pagsisikap upang lupigin ang naghahating pwersa, ang kahalagahan ng pagbabasa ay nadagdagan. Noong unang pahanhong makaluma, ang pagbabasa ay hindi nilinang o hinihikayat, ginagamit upang kapalit para sa mga ito ang relihiyon, sermon at sa oral na tradisyon. Sa ikalabinsiyam na siglo, ang mga Victorian na kabahayan ay nagsasama-sama ng ilang oras o kaya sa gabi at makikinig sa mga libro na binabasa nang malakas, Subalit, ngayon tayo ay hindi lamang nagbabasa, kagustuhan din natin na basahin hundi lamang isa ngunit higit pang mga libro at alamin ang mga kaganapan sa  ating lugar, paligid at maging sa ibang bansa.

Ang pagbabasa ng mga kasanayan ay mahalaga upang magtagumpay sa lipunan. Yaong na mahusay bumasa ay may posibilidad na magpakita ng mga kasanayang progresibo sa lipunan. Ang isang tao na nakabasa ng malawak na mga basahin ay madadaliang makihalubilo sa iba. Siya ay isang mas mahusay na mapagsalita kumpara sa mga taong hindi napalarang makapagbasa. Kaya niyang tumayo sa kanyang sarili at maging malaya. Ang pagbabasa ay kayang palawakin ang paningin. Ito ay maaring sabihing isang paraang kapalit para sa paglalakbay. Ito ay nagsisilbing medium upang maglakbay bilang kapalit sa nais na puntahan at ang pagbabasa ay maaaring punan ang puwang na nilikha sa pamamagitan ng kakulangan ng paglalakbay. Ang pagkaroon ng tiwala sa pagbabasa ay mula sa araw-araw na pagsasanay ng pagbabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay maaaring makipag-ugnayan sa iba sa isang mas mabuti paraan dahil sa pagbabasa ay pinapalawak nito ang kanyang paningin at pananaw. Kaya ang isang taong malawak ang pananaw sa pagbabasa ay isang mas mahusay na mapagsalita at may magagawang upang makita ang iba pang mga bahagi ng pananaw.

Sanggunian

Johnson, JD. (2000). Effects of Reading in our Daily Lives. The Journal of Business Communication.

27(1):7-23. doi:10.1177/002194369002700102

Baltazar,  P. (2000). Ang Kahalagahan ng Pagbabasa sa Makabagong Panahon. Manila. ;27(1):7-23. doi:10.1177/002194369002700102

By: Marilyn B. Francisco | Teacher III | Bo. Central Elementary School