Kamakailan lamang ay nagsimula na ang pagbubukas ng klase kasabay ng ganap na implementasyon ng Senior High School nakaugnay ng K-12 Program ng ating pamahalaan. Ito ay nagbukas sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng ibat-ibang tracks kung saan maaring piliin ng mga mag-aaral ang kanilang nais na programa na aakma sa kanilang natural nainteres at hilig, bilang preparasyon sa pagkuha nila ng kurso sa kolehiyo.
Ito ay isang magandang pagkakataon at oportunidad para sa maraming mga kabataan na maghanda sa nais nilang larangan. Ito ay may hatidnapag-asa sa mga kabataang tulad nina Joseph at Luis sapagkat ang ilang Senior High School ay nag-aalok ng Special Program on Sports curriculum. Ito ay programa ng Deped hindi lamang upang luminang ng mga atleta at magkaroon ng balanse sa pag-aaral at sports kundi upang ihanda din ang mga mag-aaral na kukuha nito para sa paghahanapbuhay na may kaugnayan sa larangang ito.
Bagaman ang pagbabago ay hindi madali katulad ng karagdagang mga taong dulot ng K-12 sa mataas na paaralan ng unit ito na ang isang napakagandang pagkakataon upang magbukas ng pinto para sa maraming kabataan sa ating bansa upang mas payabungin ang kani-kanilang mga hilig at interes upang magamit nila sa pagpili ng kanilang propesyon at pagkakamit sa kanilang mga pangarap. Sabayan natin ang iba pang bansa sa buong mundo upang higit na pagbutihin ang ating sistemang pang-edukasyon at ang ating mga mag-aaral!
By: Heidi C. Alvarez