Tatlong taon na nang huli nating maranasan;
Tradisyonal na pag-aaral na tuluyang lumisan;
Dulot ng pandemya lumaganap sa sanlibutan;
Takot at pangamba ay talaga namang naramdaman.
Habang nararanasan, hagupit ng pandemya;
Kagawaran ay talagang pinagpaplanuhan;
Iba’t ibang pamamaraan upang maibsan;
Pag-aaral ay ipagpapatuloy sa mga tahanan.
Sa makabagong pamamaraan ng pag-aaral;
Magulat at mag-aaral agad naman itong inaral;
May kaunting suliranin ngunit nasosolusyunan
Gabay ng mga magulang tunay na maaasahan
Halos ilang panuruang taon na ang lumipas;
Nasanay ang lahat sa bagong normal kumripas na;
kaalaman tuluyang nakamit na, at lahat ay nagkaisa;
Nalagpasan ang pandemya, tagumpay ang bawat isa.
Pag-asa aking natatanaw pagbabalik aking nararamdaman;
Kahit sino pa man maging ang Kagawaran;
Pagtulong sa kabataan siyang laging laan;
Pinaghahandaan, Muling pagbubukas ng bawat paaralan.
Nabihag man tayo ng katakot-takot na pandemya;
Edukasyon pa rin ang susi at tanging sandata;
Ang mag-aangat sa buhay ng lahat-lahat na;
Talo ang pandemya tagumpay ang bawat isa.
By: LOVILENE B. CUATON TEACHER I | OLONGAPO CITY NATIONAL HIGHSCHOOL | OLONGAPO CITY