Ang Pilipinas ay isang multilingguwal na bansa. Binubuo ng mas higit isandaang wikang ginagamit sa buong kapuluuan at labindalawa rito ay ginagamit bilang wikang panturo sa mga pribado at pampublikong paaralan. Ayon nga sa BE circular No. 71, s. 1939 na pinag-utos na gamitin ang mga katutubong diyalekto bilang mga pantulong na wikang panturo sa primarya. Nangangahulugan lamang ito na noon pa para sa maayos at epektibong pagtuturo ng guro sa loob sa klase. Marami ng mga pag-aaral at eksperimento sa bansa ang nagpapatunay na matagumpay gaya ng Iloilo Eksperiment ayon sa kinalabasan ng eksperimento ay nagpakita na higit ba epektibo ang wikang Hiligaynon kaysa Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa unang dalawang baitang. Ang batang tinuruan sa bernakular ay natutututo nang hindi naaapektuhan ang kakayahan sa pagtuturo ng Ingles sa mas mataas na grado. Higit ding matatag at ganap ang emosyon ng mga mag-aaral sa pangkat eksperimental kaysa kontroladong pangkat. Kaugnay nito, iminungkahi ng Kawanihan ng mga Paaralang Bayan na seryosong isalang-alang ang paggamit ng bernakular bilang midyum ng pagtuturo (BPS Bulletin No. 9,s.1955)
Sa kasalukuyan ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 74. s. 2009 na may pamagat na Institutionalizing Mother tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE). Sa kauutusang ito, unang wika ang gagamiting wikang panturo para sa pangunahing literasiya. Nagpapatunay lamang ito na mabilis ang pagkakatuto ng mga mag-aaral at nakilala nila ng mas higit ang kulturang kinagisnan. Sa lalawigan ng Bataan na Tagalog ang pangunahing wika o maraming gumagamit at nagsasalita nito ay hindi problema ito ngunit kailangan ang mga guro sa Filipino ay may sapat na kaalaman sa pagtuturo ng wika. Alam ang mga istratehiya at kagamitang pagtuturo sa bawat aralin dahil tayong mga guro ang daluyan ng mga kaalaman at nakasalalay ang kaayusan ng epektibong pagtuturo sa klase. Higit sa lahat ang importansiya na mas matutuhan nila ang angwikang Filipino at pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa ating mga guro at para mas ganap na matutuhan ang Ingles bilang pangalawang wika ng mga Pilipino at midyum ng pandaigdigang pakikipagtalastasan.
By: Gng. Anellen G. Fernandez | T-III | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL | BALANGA CITY, BATAAN