Ang Positibo at Negatibong Pananaw sa Teknolohiya

 “Ang abilidad ng isang bagay ay nakadepende sa taong gagamit at kung paano ito gagamitin.” Bawat bagay sa mundong ito ay may positibo at negatibong naibibibgay sa atin. Maraming mga bagay sa mundo ang akal natin ay puro positibo ang kayang ibigay.  Ngunit maaari nga bang puro positibong bagay ang maibigay ng lahat ng kagamitan…


 “Ang abilidad ng isang bagay ay nakadepende sa taong gagamit at kung paano ito gagamitin.” Bawat bagay sa mundong ito ay may positibo at negatibong naibibibgay sa atin. Maraming mga bagay sa mundo ang akal natin ay puro positibo ang kayang ibigay.  Ngunit maaari nga bang puro positibong bagay ang maibigay ng lahat ng kagamitan sa ating kapaligiran?

           Bagong panahon, isang panahon na kung saan teknolohiya ang naghahari. Isang malaking biyaya para sa atin na magkaroon ng pagkakataon na damhin ang buhay kasama ang teknolohiya. Maraming naitutulong ang teknolohiya. Nagbibigay ng tulong ang teknolohiya sa iba’t- ibang paraan. Mas madali nating nauunawaan ang mga bagay na nakapalibot sa atin, tumutulong din ito upang maging maayos at mas maging produktibo ang buhay ng bawat tao. Sakabila ng magagandang dulot nito sa atin mayroon din itong negatibong epekto.

          Ilan sa mga negatibong dulot nito ay ang pagiging palaasa, hindi paggamit ng buong  pwersa at nawawala ang pagiging malikhain. Ilan lamang ito sa mga negatibong epekto ng teknolohiya. Nagiging tamad at nawawalan din ng respeto ang mga kabataang tutok ang ispan at kalooban sa paggamit ng teknolohiya.  Ang kanilang buhay ay inilalaan nila sa paggugol sa kung ano ang hatid na saya ng pakikipagtalastasan nila gamit ang media. Nawawala ang tamang saloobin at kawilihan sa pag-aaral at napapalitan ng pagkagumon sa makabagong teknolohiya na nagiging sanhi ng kawaln ng interes sa pagkatuto ng mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral.

            Ang pananaw ng isang tao ay mayroong malaking kontribusyon para sa pagbabagong ninanais nito. Dahil sa Agham,patuloy nating nakakamtan ang pagbabago sa araw-araw. Kung ang pananaw natin sa ating buhay ay positibo,tiyak na ang buong buhay natin ay puno ng pag-asa at saya. Ang positibo at negatibo nating pananaw sa teknolohiya ay isang dahilan ng pagbabagong hindi inaasahan ng lahat. Nasa atin na lang kung paano  ipaliliwanag  ang tamang paggamit nito, lalo sa mga mag-aaral at ang tamang disiplina para sa mas maunlad na buhay.

By: Mrs. Florinda L. Bantog | Teacher III | Limay Elementary School | Limay, Bataan