ANG PUNONG GURO BILANG ISANG INSPIRASYON AT LIDER

              Maraming punong-guro ang nagsisilbing inspirasyon sa maraming tao sa kanyang paligid.  Isa sa mga taong ito ay ang mga guro.  Ibang-iba raw ang punong-guro noong araw sa punong-guro sa kasalukuyan. Ang punong- guro raw sa ngayon ang dapat tanghaling  punong-guro ng 21st century.  Ang isang magandang pangyayari para sa…


              Maraming punong-guro ang nagsisilbing inspirasyon sa maraming tao sa kanyang paligid.  Isa sa mga taong ito ay ang mga guro.  Ibang-iba raw ang punong-guro noong araw sa punong-guro sa kasalukuyan. Ang punong- guro raw sa ngayon ang dapat tanghaling  punong-guro ng 21st century.  Ang isang magandang pangyayari para sa isang punong-guro sa kasalukuyan ay ang salitang “empowerment” o dagdag na autoridad o kapangyarihan sa pagpapalakad ng paaralan.  Hindi kagaya noong araw na sila ay namamahala lamang ng paaralan at ng kanilang mga tauhan .

Sa kasakaluyan sila ay mga sanay sa mas epektibo sa pamamahala para sa paglinang at pagpapayabong ng paaralan.  Sila ngayon ang ahente ng pagbabago.  Ang mga punong-guro sa kasalukuyan ay inaasahang mas dinamiko at patuloy sa pagkilos tungo sa pag-unlad hindi kagaya ng dati na sila ay tagapagbantay at mga taga-disiplina lamang ng mag-aaral at mga guro sa mga nakalipas na mga taon.

              Ang papel na dapat gampanan ng isang pinuno ng paaralan ay linangin ang kakayahan ng paaralan upang makamit ang mataas na lebel ng achievement para sa lahat.

              Para sa mga guro, malaki ang ginagampanang papel ng isang punong-guro.  Nagmungkahi si Michael Fullan ng mga bagay na dapat gampanan ng isang punong-guro na binanggit naman ni Espayos (2005) sa kanyang artikulo na “ Leading in a Culture of Change .“

  1.  Siya ay nakatalaga upang linangin ang mga kasanayan at kaalaman at matalinong disposisyon ng mga guro.
  2. Siya ay inaasahan na makalikha ng kultura ng  isang propesyonal na komunidad ng pagkatuto.
  3. Dapat niyang maisakatuparan ang kanyang mga programa.
  4. Ang punong-guro ay dapat magbigay ng daan para sa kakayahan ng mga guro na makagawa ng mga kagamitang pampagtuturo.
  5.  Inaasahan na ang epektibong punong-guro ay malilinang ang kakayahan ng guro upang maging matibay na sandigan para sa edukasyon ng mga mag-aaral, pagtuunan ng pansin ng guro ang pagtuturo, mga kagamitang mga pampagtuturo at mga panahong dapat iukol dito, dapat pagtuunan ng pansin ang sama-samang inisyatibo para sa ikatututo ng mga mag-aaral.  Dapat alalahanin ang pagtuturo bilang isang team,
  6. Ipinapaliwanag ng punong-guro ang mga patakaran at kalakaran para sa ikauunlad ng paaralan.

Ang lahat ng ito ay nakasalalay sa tiwala, integridad, interdependence at commitment sa lahat ng kasangkot sa kultura ng paaralan.Ang punong-guro ay dapat na manguna na may puso upang makuha ang tiwala ng kanyang mga nasasakupan.  Siya ay mananatiling isang inspirasyon sa mga guro kung patuloy niyang tataglayin ang mga ganitong mga katangian.

Sanggunian:

Espayos, M.  The Filipino Principal of the 21st century .The Educators Magazine, Vol. 2                        Issue #7 P. 25  ( 2005 )

By: JACQUELINE R.DELA ROSA | Teacher I | Samal National High School | Samal, Bataan