Maraming buhay ang binago ng mapaminsalang sakit na COVID 19 ayon sa CDC ito ay sakit na dulot ng isang virus na maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao.Maaari kang mahawahan sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan (mga 6 na talampakan o dalawang braso ang layo) sa isang taong may COVID-19. Ang pangunahing pagkalat ng COVID-19 ay mula sa isang tao papunta sa iba.Sa kasalukuyan ay walang bakuna upang pangprotekta laban sa COVID-19. Ang pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang iyong sarili ay ang umiwas na malantad sa virus na nagdudulot ng COVID-19.Dahil dito ay hindi na pinapayagan ng ating pamahalaan ang maramihang pagtitipon at malapitang pakikisalamuha natin sa iba.
Mula noong Marso hanggang sa kasalukuyan ay walong buwan na tayong nakikipagpatintero sa mapaminsalang sakit na ito.Isa ang Departamento ng Edukasyon na direktang natamaan nito,binago ng pandemya ang sistema ng ating edukasyon at isa ang ahensya na ito sa hindi pinapayagan na magkaroon ng face to face na pagtuturo.Mula sa apat na sulok ng silid-aralan at tradisyunal na pagtuturo ay nabago ito.Nagkaroon ng tinatawag na Blended Learning na paraan ng pagtuturo.Ngunit ano nga ba ang Blended Learning? Ayon kay (Gonzales 2020) ang blended learning approach ay kahit anong education strategy na pinaghahalo ang mga digital at traditional na paraan ng pagtuturo. Ibig sabihin, magkahalo ang mga online activities, webinars, at modules para turuan ang mga mag-aaral.Ayon sa mga pag-aaral, epektibo at nakakatulong ito sa tinatawag na long-term information retention ng mga estudyante o ang kakayahan nilang panatilihin sa isip nila ang mga natutunan nila.May dalawang paraan sa pagpapatupad ng blended learning approach. Isa ang paghahalo ng pag-aaral sa online at physical classrooms samantalang ang isa ay purong online lang gamit ang mga instructional videos at mga interactive tools.Ito ang mga pagpipilian ng mga mag-aaralm upang maipagpatuloy pa ang kanilang pag-aaral sa kabila ng krisis na ito.
Ayon kay Education Sec. Leonor Briones “hindi hahayaan ng DepEd na sirain ng COVID-19 ang edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan” Kung kaya ito ang nakikita ng ating ahensya na ipagpatuloy lamang ang laban at ituloy ang edukasyon sa kabila ng mga pagbabago na ito na pilit na kinakaya ng nakararami sa kabila ng mga hamon at pagsubok sa buhay bunsod ng krisis na ito.
Sanggunian:
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/downloads/2019-ncov-factsheet-Tagalog.pdf
https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/mas-maganda-nga-ba-ano-ang-blended-learning-approach-at-paano-ito-gawin-a00307-20200920
https://radyo.inquirer.net/267815/pagbubukas-ng-klase-pormal-nang-idineklara-ni-sec-leonor-briones
By: Ms. Jenilla Mae O. Rodrigo | Teacher II | BNHS-Senior Highschool | Balanga City, Bataan