Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang humaharap hanggang sa kasalukuyan sa epekto ng Covid 19 at walang nakakaalam kung kailan ito matatapos. Marami pa rin sa ating mga kababayan at mga sektor ng ating gobyerno ang labis na naapektuhan, isa na nga rito ang sektor ng edukasyon. Hindi naging madali sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang ganitong bagong normal na sitwasyon. Sa kabila nito ay kailangan pa ring maihatid sa mga mag-aaral saan mang panig ng Pilipinas ang kalidad na edukasyon kung kaya’t masusing pinagplanuhan at pinag-aaralan ng Kagawaran ng Edukasyon kung paano maihahatid nang maayos at epektibo ang pagtuturo sa mga mag-aaral.
Ayon nga sa datos ng UNESCO (2020), May 1.2 bilyong mga mag-aaral sa mundo ang apektado ng pandemyang ito at dito sa Pilipinas ay 28 milyong mga mag-aaral ang nagklaklase sa bagong normal na pagtuturo ang online learning.
Naging malaking ang adjustment ito sa guro at mga mag-aaral ang dating karaniwan o normal na mga aralin ay isinasagawa sa loob ng silid-aralan ay napalitan ng mga synchronous classes sa online. Ang interaksyon ng guro sa kanyang mag mag-aaral ay nabawasan walang agyat na pagsagot ang mga bata dahil sa kahinaan ng signal o koneksyon ng internet. Naging patunay rito ang pag-aaral noong (2020) na ang Pilipinas ang isa sa mga may pinakamabagal na internet connection sa buong Asya. Dagdag pa rito gadyet na laptop, smartphone, tablet ang gagamitin ng mga mag-aaral. Pasalamat sa mga local government unit kung may libreng gadyet na ibibigay sa mga mag-aaral para magamit nila sa mga online class. Malaking hamon din sa panahon ng pandemya sa mga guro kung paano susukatin ang kasanayang natamo ng mga mag-aaral sa bawat aralin. Kung paano mamarkahan ang mga mag-aaral batay sa gawain o pangkatang gawain sa klase. Mahirap ang pakapa-kapa lalo’t ang ilan sa mga guro ay gayundin ang sitwasyon na nararanasan mabagal ang signal o kayaý kulang kasanayan sa paggamit ng teknolohiya.
Sa kabilang dako, kung unti-unting magbabalik at magbubukas ang mga klase sa mga pribado at pampublikong paaralan sa atin ay paano o handa na ba ang mga administrador , guro o ang Kagawaran ng Edukasyon para sa face-to-face? Hindi pa rin kasi mawawala ang banda ng virus at ang takot at pangamba sa mga magbabalik-eskwela. Kailangan isalang-alang ang kalusugan ng bawat isa at dapat din ikonsidera at kung magbabalik-eskwela ang physical distancing, pagsuusot ng face mask, at ang mga bagong polisiya at paaalanng mga paaralan sa bagong normal.
Bilang guro na nakikita at nararanasan araw-araw ang sitwasyon ng edukasyon sa ating bansa. Sa mga danas sa pagtuturo ay may malaking hamon pa ring kinakaharap natin na hanggang sa ngayon ay kailangang tugunan at kung hindi na tayo babalik pa sa tipikal at karaniwang pagtuturo sa paaralan at sa loob ng klase ay kailangan nating pagplanuhan ang mga hamon at pagbabago sa bagong normal.
By: Ms. Ghecela Marie Chris Garcia | Teacher I | Bataan National High School | Balang City, Bataan