“ANG TAMIS NG IYONG TAGUMPAY” ( Isang Tula ng Inspirasyon para sa mga Mag- aaral)

  Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay, Puno ng problema’t mga pasakit ang bigay. Kay hirap hanapin at alamin ang tunay, Mga sagot upang ito’y maging makulay.   Mabuti na lamang ay aking napagtanto, Sa pagsusumikap hindi dapat huminto. Sipagan ang pag- aaral gawin ng husto, Ituring bawat oras na higit sa ginto.  …


 

Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay,

Puno ng problema’t mga pasakit ang bigay.

Kay hirap hanapin at alamin ang tunay,

Mga sagot upang ito’y maging makulay.

 

Mabuti na lamang ay aking napagtanto,

Sa pagsusumikap hindi dapat huminto.

Sipagan ang pag- aaral gawin ng husto,

Ituring bawat oras na higit sa ginto.

 

Mga asignatura’y lubos napag- aralan,

Mahihirap na sabjek, siyang dapat tutukan.

Arali’y unawain ng may kahusayan,

Hasain, pagyamanin ang murang isipan.

 

Pagsisikap na ito’y dapat bigyang- pansin,

Mga aklat, nobela’y kagyat na basahin.

Siyensiya, Matematika ibilang na rin,

Tukuyin elemento’t numero’y sagutin.

 

Naniniwala akong ang taong masipag,

Ay may panahon upang maging isang tanyag.

Kalaunan ang pangala’y mamamayagpag,

Sa talino’t talentong kanyang naiambag.

 

Ang sabi ng Nanay, “Anak mangarap ka,

Sa mga kakayahan mo, ika’y magtiwala.

Ang Panginoong Diyos na sa’yo ay nagpala,

Talino’y ibahagi, gamitin ng tama.”

 

At ngayo’y nakamtan na, tamis ng tagumpay,

Medalya’t diploma sa’yo na’y naibigay.

Anong sigla’t saya, kagalakan na tunay,

Pamilya’t kaibigan, lahat nagpupugay!

 

By: Mr. Rodolfo N. Ariola Jr. | SPED Teacher I | Cabcaben Elementary School | Mariveles, Bataan