“Responsibilidad ng gobyerno na palakasin ang sistemang pang edukasyon sa Pilipinas. Isa ito sa mga kritikal na suliraning dapat unahin ng bagong administrasyon.”
Iyan ang mga salitang sinambit ni Sen. Edgardo Angara, Chairman ng Congressional Commission on Science and Technology (COMSTE), para sa susunod na administrasyon na pangungunahan ni President-Elect Rodrigo “Digong” Duterte.
Matatandaan na sa kasalukuyan at papaalis na administrasyon, nagkaroon ng madaming isyu at usapin tungkol sa edukasyon.
Kabilang na dito ang pagpapatupad ng K-12 Law at ang kakulangan sa mga kagamitan na kailangan sa pag-aaral.
Dahil dito, itinuturing na hamon sa bagong administrasyon na higitan ang mga nagawa ni PNoy sa edukasyon ng bansa sa kanyang termino.
Dagdag pa ni Angara, kailangan itong lutasin sa lalong medaling panahon ng mga nasa kinauukulan upang mabigyan ng matinong edukasyon ang mga bata sa pampublikong paaralan.
By: Charms D. Repol