ANO ANG BULLYING
Jennifer A. Quiroz
Master Teacher i
Cataning Elementary School
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina
Ano ang Bullying o Pambubulas?………………………………………1
Mga Palatandaan upang Malaman ang Bullying
O Pambubulas……………………………………………………………….2
Masamang Epekto ng Pambubully sa Biktima……………………3
Iba’t-Ibang Uri ng Pag-uugali na Kinasasangkutan
ng Bullying…………………………………………………………3
Ang Bullying ay Maaaring Direkta o Di-Direktang
Pagdawit sa Biktima………………………………………………5
Cyberbullying at Tradisyunal na Paraan
ng Pangbubully……………………………………………………5
Mga Kabataang Maaaring Maging Kasangkot
Upang Maisakatuparan ang Pambubulas………………………6
Mga Karaniwang Paraan ng Pangbubully sa
Paaralan (Nces 2011)…………………………………………….7
Mga Kadahilanan kung Bakit Nais Mambully ng
Isang Tao sa Kanyang Kapwa…………………………………..8
Sino Ang Mga Kadalasang Nambubully?……………….. ……….9
Pahina
Sino ang mga Kadalasang Nabibiktima ng
Pambubully?………………………………………………………………………9
Bakit Lumalakas ang Loob ng Isang Taong
Mambully?…………………………………………………………………………10
Paano Matutukoy kung ang Isang Bata ay
Biktima ng Pambubully?………………………………………………………10
Mga Hakbang na Dapat Gawin ng Isang Mag-aaral
Upang Maiwasan ang Bullying……………………………………………11
Para Sa Mga Biktima Ng Bullying……………..………..………11
Para Sa Mga Taong Makakasaksi Ng Bullying……..………….13
Mga Kasanayang Pampaaralan na Dapat
Gawin ng Isang Guro Upang Maiwasan at
Malutas ang Bullying……………………………………………………15
Magkaroon Ng Kahandaan sa mga Nangyayari
sa Paligid………………………………………………………….15
Magkaroon ng Ligtas na Lugar na
kung Saan ay Napapangalagaan ang
Kapakanan ng Bawat Isa……………………….………….……16
Magkaroon ng Malawak na Pagtatasa sa
Pangyayaring Nauugnay Sa Bullying…………..….……….….17
Pahina
Kumalap ng Suporta sa mga Taong
mas may Higit ang Kaalaman sa “Bullying
Prevention Strategies”……………….……………………….…..18
Magkaroon ng Koordinasyon at
Sama-Samang Pagsisikap upang
Maiwasan ang Bullying……………….………..………………..19
Magkaroon ng Pagsasanay at Sapat na Oryentasyon
Kung Paano Maiiwasan at Kung Paano ang Tamang
Paraan Ng Patugon Ng Bullying……….……………………….19
Pagtatakda ng Polisiya at Patakaran……………………..……20
Masusing Pagsusubaybay ng Nakatatanda………………..…21
Tama at Hindi Pabago-bagong Desisyon sa
Paglutas ng Bullying………………………………..……………22
Maglaan ng Oras sa Pakikipag-Usap sa mga
Mag-Aaral Tungkol sa Bullying……………………..…………..23
Patuloy na Pagsisikap na Masugpo ang Bullying…..…………24
Mga Pamamaraan na Maaaring Isaalang-alang
Upang Maiwasan ang Bullying……………………………..……….25
Mga Hakbang o Plano sa Pagsasagawa…………………….…….26
Pahina
Mga Halimbawa ng Aksyon na Dapat Gawin
Upang Maitaas ang Kamalayan sa Bullying…………………..…..28
Mga Halimbawa ng Aksyon na Dapat Gawin
Upang Maiwasan at Matugunan sa Tamang
Paraan ang Bullying…………………………..………………………..29
Paglinang sa Tawag ng Gawain sa Pamayanan……….………….31
Mga Taong Maaaring Makuhanan ng Mungkahi o
Tulong sa Pamayanan Laban sa Bullying………………………….33
Mga Alituntunin at Patnubay na Dapat Sundin sa
Paaralan upang Maiwasan ang Bullying………………………..….34
Bumubuo sa Child Protection Committee………………………….39
Mungkahing Gawain Upang Malaman ang Higit
na Dahilan ng Pambubully…………………………..……………….40
ANO ANG BULLYING O PAMBUBULAS?
Ang bullying o pambubulas ay tumutukoy sa aksyon na isinasagawa ng isang tao o grupo ng mga tao sa isang mas mahinang indibidwal na kung saan minamaliit, sinasaktan, o hinihiya ang kanyang pagkatao sa harap ng iba pang tao. Minsan, ang biktima ay pisikal na sinasaktan, sinasabihan ng masasakit na salita, nilalait, tinatawag sa iba’t ibang katawagan, o kaya ay binabahiran ang dangal sa pamamagitan ng pagkakalat ng tsismis tungkol sa kanya. Ang malisyosong pagtatangka na makasakit ng katawan o ng isipan ng isang tao ay kadalasang nagaganap sa mga eskwelahan, ngunit maaari din itong maranasan sa opisina at iba pang pampublikong lugar.
Para sa ilan, ang konsepto ng pambubully ay normal lamang at bahagi talaga ng paglaki ng mga bata. Ngunit para sa mga eksperto at doktor, ito ay may masamang epektong sikolohikal sa biktima.
1
MGA PALATANDAAN UPANG MALAMAN ANG PAMBUBULAS
- May pagka-agresibo ba ang pag-uugali?
- Nang-aasar o nagbibiro upang maging katatawanan ang
isang tao sa iba
- Nagsasalita ng hindi maganda o nanlalait
- Nanakit
- Paulit-ulit ba itong ginagawa?
- Natutuwa kapag nakakapanakit ng kapwa kaya nawiwili itong gawin
- Nagiging dominante ba sa kapwa?
- Malakas ang loob gawin dahil:
* mas nakakahigit ang edad, taas o lakas
* mas popular
* mas nakaluluwag sa buhay
* mas maabilidad o mas matalino
2
* pagkakaroon ng kutsilyo o anumang uri ng armas na nakapananakit
MASAMANG EPEKTO NG PAMBUBULLY SA MGA BIKTIMA:
- Takot at pagkabalisa.
- Pag-iwas sa pagpasok sa eskwelahan.
- Pagkakaroon ng bayolenteng personalidad.
IBA’T-IBANG URI NG PAG-UUGALI NA KINASASANGKUTAN NG BULLYING
Pisikal
- Gumagamit ng lakas gaya ng paghahagupit, paninipa, panunulak o iba pang uri ng pananakit
3
Berbal
- Pagbabansag ng katatawanang pangalan
- Pang-iinsulto
- Pagbabanta
Relasyonal
- Paninira ng reputasyon ng kapwa
- Pagkakalat ng tsismis
- Pagpopost ng nakakahiyang imahe sa facebook
- Pinapapaiwasan sa mga kaibigan
Pamiminsala sa Ari-arian
- Pangungumit ng gamit
- Pagsira ng gamit ng kapwa
4
ANG BULLYING AY MAAARING DIREKTA O DI-DIREKTANG PAGDAWIT SA BIKTIMA
- Direktang bullying – agresibong pag-uugali na harapang pang-iinsulto sa pakatao ang ginagawa
- Pagtulak
- Pang-aalipusta
- Pagpapadala ng bastos na mensahe sa text o facebook
- Di-direktang bullying – agresibong pag-uugali na pang-iinsulto ng talikuran
- Pagpapakalat ng tsismis
CYBERBULLYING AT TRADISYUNAL NA PARAAN NG PANGBUBULLY
- Cyberbullying – pangmamaton sa pamamagitan ng paggamit ng internet at iba pang kaugnay na teknolohiya na kadalasan aysinasadya upang paulit-ulit na makasakit ng kapwa.
5
- Tradisyunal na Paraan ng Pangbubully
Madalas na harapang pang-aasar o pang-iinsulto sa kapwa
MGA KABATAANG MAAARING MAGING KASANGKOTUPANG MAISAKATUPARAN ANG PAMBUBULAS
- Ang bullying ay maaring malaman sa pamamagitan ng paggawa ng hindi pangkaraniwang gawain na kung saan kahit sino ay maaaring maging kasangkot upang ito ay maisakatuparan, katulad ng mga:
- Mga nagiging pasimuno ng bullying
- Nakikisali sa bullying
- Nakasaksi pero tanggap ang mga ganitong pangyayari
- Madalas obserbahan ang bullying pero takot masangkot
- Ayaw ng bullying pero hindi kumikilos upang ito ay masugpo
- Sinusubukang tumulong pero walang lakas ng loob ituloy.
6
MGA KARANIWANG PARAAN NG PANGBUBULLY SA PAARALAN (NCES 2011)
- 19% ginawang katatawanan, pagbansag o pangiinsulto
- 17% paksa ng bulongbulongan
- 9% tinulak, pinatid, dinuraan
- 6% pinagbantaan ng masama
- 5% sinadyang hindi pagsama sa mga gawain
- 4% pagpilit gawin ang isang bagay na labag sa loob
- 3% pagsira sa gamit
- 6% pangaasar sa facebook
7
MGA KADAHILANAN KUNG BAKIT NAIS MAMBULLY NG ISANG TAO SA KANYANG KAPWA
- May mga taong walang kasiyahan sa kung anong mayroon siya. May mga tao ring nagkakaroon ng inggit kung anong meron ang kanyang kapwa. May mga tao rin namang nakakaranas ng hindi maganda sa kanyang buhay kaya nagkakaroon siya ng kasiyahan kapag nakasakit ng kapwa. Kadalasan ang taong nambubully ay may naisin na ang kanilang kapwa ay:
- Magpakita ng kapabayaan o hindi magandang pag-uugali
- Umayaw sa pag-aaral at tuluyan nang huminto
- Malulong sa alak o sigarilyo
- Mapaniwala na ang pagiging bayolente ang magpapaikot sa iba
- Upang mapagdala ng sandatang nakasasakit ng kapwa na kung saan ay kabawal-bawalan sa paaralan
- Makaisip magpakamatay upang matakasan ang bullying
8
SINO ANG MGA KADALASANG NAMBUBULLY?
Kahit na sino ay maaaring maging bully. Kadalasan, ninanais nilang maging bida o manguna sa lahat ng bagay. Nais nilang manipulahin ang ibang tao na nasa paligid nila. Nais rin nilang dominahin ang mundong kanilang ginagalawan at wala silang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao sa paligid.
Ang ganitong personalidad ay kadalasang resulta ng inseguridad sa kanilang sarili, o kaya naman ay repleksyon ito ng sariling karanasan sa pamilya o sa nakaraan.
SINO ANG MGA KADALASANG NABIBIKTIMA NG PAMBUBULLY?
Ang mga taong kadalasang biktima ng pambubully ay yung mga indibidwal na naiiba kumpara sa mas nakararami sa isang grupo. Silang mahiyain, tahimik, ibang lahi, kakaibang kasarian, may kapansanan, at iba ang katayuan sa buhay ang kadalasang hindi tanggap ng nakararami.
9
BAKIT LUMALAKAS ANG LOOB NG ISANG TAONG MAMBULLY?
Lumalakas ang loob ng isang tao na mambully dahil nasa isip niya na lahat ng gustuhin niya ay makapangyayari. May mga tao naman na gusto lang magpakitang-gilas o magpasaya ng mga kaibigan. Kung minsan may mga taong nasisiyahan at nakakaramdan na mas nakahihigit sila sa iba at lingid sa kanilang kaalaman ay nakakasakit na sila ng kalooban ng kanilang kapwa dahil sa kanilang ginagawa.
PAANO MATUTUKOY KUNG ANG ISANG BATA AY BIKTIMA NG PAMBUBULLY?
Narito ang mga senyales na maaaring makapagsabi na ang isang bata ay biktima ng pambubully:
- Umuuwi nang may sugat o galos na hindi maipaliwanag.
- Umuuwi nang may sirang damit o nawawalang gamit.
- Madalas umiwas o natatakot sa pagpasok sa eskwelahan
10
- Sinasaktan ang sarili
- Walang interes sa pakikipagkaibigan o pagsali sa mga extra curricular activities
- Mababa ang kumpyansa sa sarili
- Palaging malungkot o dumaranas ng depresyon
- Labis na pagkabalisa at hindi mapagkatulog
- Nagiging marahas, maaaring sa panahon ng pambubulas o sa hinaharap
11
MGA HAKBANG NA DAPAT GAWINNG ISANG MAG-AARAL UPANG MAIWASAN ANG BULLYING
Para sa mga Biktima ng Bullying
- Para sa mga batang biktima ng pambubully, ang pinakamainam na paraan ng pagsawata dito ay ang pagsusumbong sa isang nakatatanda at pinagkakatiwalaang indibidwal. Kailangan ding maikwento ito sa sinumang may awtoridad gaya principal, guro, magulang, o kaya guidance counselor.
- Huwag susuko kung ang iyong sinabihan ay walang ginawang hakbang upang ikaw ay tulungan maghanap pang muli ng pwedeng makatulong sa iyong problema upang ito ay mabigyan ng kalutasan.
- Huwag ipapakita sa taong nang-iinis sa iyo na ikaw ay napipikon sa kanyang ginagawa. May mga taong naghahanap ng senyales upang malaman na epektibo ang kanyang pangbubully upang paulit-ulit niya itong gawin.
12
- Kung ang sitwasyon nang pambubully ay maaaring humantong sa pisikal sa sakitan, mainam na pigilin ang galit na nararamdaman at iwasang mapag-isa.
- Iwasan ang mga lugar na kung saan ay mas komportable ang nangbubully na gawin ito. Mga lugar na hindi nakikita ng guro, mga sulok ng palaruan, tahimik na lugar at iba pa.
- Humanap ng mapagkakatiwalaang kaibigan at hangga’t maaari, sumama sa kanya sa lahat ng oras. Mas makabubuti kung ang sasamahang mga tao ay tunay na mga kaibigan o mga taong handang dumamay sa iyo.
13
Para sa mga Taong Makakasaksi ng Bullying
- Isama ang mga kaibigan at kausapin sa maayos na paraan ang taong nangbubully. Maging mahaba ang pasensya sa pakikipag-usap upang maiwasan ang gulo. Ipaliwanag na ang bullying ay hindi katanggap-tanggap sa paaralan.
- Kapag nakasaksi ng pambubully, huwag gatungan at huwag tatayo upang ito ay panoorin. Ang taong nambubully ay mas nasisiyahan sa atensyong ibinibigay sa kanyang maling ginagawa.
- Humanap ng taong maaaring makatulong upang ito ay masawata. Mas mainam kung ipagbibigay alam ito sa guro o principal ng paaralan.
- Kaibiganin o maging maayos ang pakikitungo sa mga taong nabibiktima ng bullying nang sa gayon ay hindi nila dalhin ang bigat ng pangyayari at magkaroon sila ng tiwala sa kanilang mga sarili.
14
- Subukan ring kaibiganin ang mga taong nambubully upang maipakita sa kanila ang tamang pakikitungo sa kapwa at upang ipaintindi sa kanila na hindi nila kailangang mangbully upang maging katanggap-tanggap o kapuri-puri sa mga kaibigan.
MGA KASANAYANG PAMPAARALAN NA DAPAT GAWIN NG ISANG GURO UPANG MAIWASAN AT MALUTAS ANG BULLYING
- Magkaroon ng kahandaan sa mga nangyayari sa paligid.
- Sa pakikisalamuha sa kapwa kapag tayo ay nasa paaralan, ba’t-ibang pag-uugali, kinaugalian o kinalakihan ang kahaharapin ng bawat isa. May mga bagay na nangangailangan ng mahabang panahon bago natin ito matanggap. Kaya’t nararapat na ihanda natin ang ating sarili kung ano at paano ang dapat gawin upang maging maayos ang pakikitungo sa bawat isa.
15
- Magkaroon ng ligtas na lugar na kung saan ay napapangalagaan ang kapakanan ng bawat isa.
- Ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat isa ay hindi lang
dapat ipabalikat sa namumuno sa paaralan. Nararapat na magkaroon ng komprehensibong pagsisikap ang lahat upang mapanatiling ligtas ang lahat ng nasa paaralan.
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga patakarang pampaaralan ay isang malaking tulong din upang magkaroon ng ligtas at maayos na pag-aaral. Ang pagkakaroon ng bullying sa paaralan ay hindi dapat ipagsawalang-bahala dahil hindi matutuwid ang isang bagay kung hahayaan itong paulit-ulit na mangyayari.
16
- Magkaroon ng malawak na pagtatasa sa pangyayaring nauugnay sa bullying
- Ang pagkalap sa mga pangyayaring may kinalaman sa bullying ay isang paraan upang mas higit na mapag-aralan ito nang sa gayon ay mabigyan ng nararapat na kalutasan.
Gayunpaman, ang pagkaroon ng kamalayan at kahandaan kung paano ito subaybayan at lutasin ay nangangailangan ng mahabang panahon ng pag-aaral kaya’t nararapat na bumuo ng mga programa upang matugunan ang mga pangangailangan at masukat ang kakayahan na kung saan laging isinasaalang-alang ang pananaw ng mga bata, magulang at mga namumuno sa paaralan.Ang mga pamantayan na dapat sundin ay dapat naaayon sa “child protection policy” at “anti-bullying act”.
17
- Kumalap ng suporta sa mga taong mas may higit ang kaalaman sa “bullying prevention strategies”.
- Maagap at masigasig na suporta na magmumula sa taong mas may higit ang kaalaman at mga programang may
kinalaman sa kapakanan ng kabataan ay napakahalaga. Ang pagsisikap ng paaralan na maisakatuparan ang bawat programa ay magiging matagumpay kung ang bawat isa ay marunong sumunod sa alituntuning pampaaralan. Kung magsisikap ang lahat na pagtuunan ng pansin ang mga programang may kinalaman sa bullying mas madaling mabibigyan ng kalutasan ang mga problemang kahaharapin.
Tandaan natin na ang pagsunod sa patakaran ay isang paraan ng pakikiisa upang magkaroon ng matiwasay at maayos na samahan.
18
- Magkaroon ng koordinasyon at sama-samang pagsisikap upang maiwasan ang bullying.
- Ang bullying ay hindi nalulutas ng isang tao lamang kung kaya’t mas makabubuti na ito ay ating idudulog sa “school
safety committee” upang sama-samang desisyunan. Maaaring ring gamitin ang estratehiyang inilatag ng paaralan dahil ito ay dumaan sa masusing pag-aaral.
- Magkaroon ng pagsasanay at sapat na oryentasyon kung paano maiiwasan at kung paano ang tamang paraan ng patugon ng bullying.
- Dapat maunawaan ng bawat isa kung anong uri ng bullying ang kahaharapin, epekto nito at kung paano ito maiiwasan kasama na rito ang paggamit ng epektibong polisiya at patakaran. May mga pangyayari ng bullying o pambubulas na
19
- nangangailangan ng biglaang desisyon paglutas kaya’t nararapat na alam ng bawat isa ang direksyon at kasanayan na dapat gawin. May mga bullying din na hindi natatapos sa
biglaang pagsusugpo kung kaya’t mas makakabuti kung ito ay patuloy na subaybayan upang hindi na maulit pang muli.
- Pagtatakda ng polisiya at patakaran
- Ang pagpapatupad ng maayos na patakaran at polisiya sa paaralan ay nararapat natin laging pahalagahan. Ang patakaran ay nararapat gamitin sa lahat ng bata upang maiwasan ang pag-aalinlangan sa itinakdang regulasyong pampaaralan. Magtakda rin ng pamantayan base sa pag-ugali ng isang bata na kung saan ay nakatuon sa inaaasahang resulta tulad ng positibong reaksyon ng nambully at kanyang nabiktima. Kung maging negatibo man
20
ang resulta, hindi nangangahulugan ang pagsuko upang ito’y hindi na lulutasin, bagkus ang isang pag-aaral upang mabigyan ng kalutasan ay napakahalaga.
- Masusing pagsusubaybay ng nakatatanda
- Maging sensitibo sa mga nangyayari sa kapaligiran. Hindi pa man nangyayari, nararapat na ito ay bigyan ng mas maagap na atensyon. Mas makabubuti kung ang “hot spots” ng bullying na nagmula sa mga nakaraang insidente ng bullying at madalas na maiulat ng mga bata na pinangyayarihan ng bullying ay palagiang bantayan. Kung may kahina-hinalang pangyayari ng bullying nararapat na ito ay imbestigahan.
21
- Tama at hindi pabago-bagong desisyon sa paglutas ng bullying
- Ang lahat ng namumuno sa paaralan maging ito man ay prinsipal, guro o guidance counselor ay nararapat na may kahandaan at tamang desisyon sa paglutas ng bullying lalo na kung ang pangyayari ay nangangailangan ng biglaang
desisyon upang malutas agad ang kaso ng bullying. Nangangailangan rin matamang pagsubaybay sa mga batang nasasangkot at kung kinakailangan ay makipag-ugnayan sa kanilang mga magulang. Kung ang kinakaharap na kaso ay malala na at may kahirapan sa paglutas, maaaring kausapin ang magulang na ipatingin ang batang nasasangkot sa “mental health professionals”.
22
- Maglaan ng oras sa pakikipag-usap sa mga mag-aaral tungkol sa bullying
- Ang pakikipag-usap sa mga bata tungkol sa bullying at kung paano ito maiiwasan ay makakatulong upang malaman ang kanilang nararamdaman kung sila ay nakikisalamuha sa kapwa-bata. Dito rin nasusukat ang pagkakaiba-iba ng kanilang pananaw tungkol sa bullying. Dahil dito, mas madaling mauunawaan ang kanilang nararamdaman.
Ang pagiging sensitibo tungkol sa kanilang nararamdaman ay isang dahilan rin kung kaya ang bata ay nagkakaroon ng tiwala sa kanilang guro. Isang paraan rin upang makuha ang loob na mga bata na sabihin ang kanilang saloobin ay ang pagsasamasa leksiyon ng paksang bullying, tamang pag-uugali at kasanayan sa pakikisalamuha na nakabase sa kurikulum ng paaralan.
23
- Patuloy na pagsisikap na masugpo ang bullying
- Ang pag-iwas sa bullying ay walang itinakdang panahon kung kailan ito dapat matapos. Nararapat na patuloy ang pagsasaliksik kung ano ang pangunahing pangangailangan upang ito ay matugunan. May mga estratehiya o programa na maaaring baguhin o iakma base sa nakaharap na kaso. May mga bagay na akala natin nalutas na ngunit maaaring maulit
pa rin, hindi man ngayon kundi sa mga susunod pang mga araw,.kaya’t nararapat na ito ay patuloy pagsumikapan na masugpo. Kung hindi man tuluyang mawala kahit anong pagsusumikap ng guro, ang mahalaga ay nagkaroon ng parte upang maisaayos ang buhay at pamumuhay ng isang mag-aaral.
24
MGA PAMAMARAAN NA MAAARING ISAALANG-ALANG UPANG MAIWASAN ANG BULLYING
- Bumuo ng organisasyon na ang adhikain ay maitaguyod ang positibong pananaw ng mga mag-aaral. Mamili ng mga mamumuno na kinakikitaan ng kakayahan at positibong pananaw na maaari pang umunlad base sa kanyang karanasan na kung saan ay pinahahalagahan ang mapayapa at maayos na aktibidades sa paaralan.
- Mamili ng mga mag-aaral na kung saan ay may malawak na pag-iisip upang makapagturo sa mga mas nakababatang mag-aaral at nang sa gayon ay maitaas ang kamalayan kung paano dapat harapin ang isang batang bully at sa masamang idudulot nito kapag hindi napigilan. Maaari itong gawin pagkatapos ng klase.
- Maaari ring bumuo ng iba’t-ibang uri proyekto na kung saan ay kinapapalooban ng mga kapaki-pakinabang na impormasyon sa mga mag-aaral.
25
MGA HAKBANG O PLANO SA PAGSASAGAWA
- Makipag-ugnayan ang grupo kasama ang kanilang gurong tagapayo sa mga namumuno ng paaralan gaya ng prinsipal o guidance coordinator upang maging maayos ang paghahanda at mga kasunduang ihahain na dapat sundin at gawin sa paaralan.
- Magkaroon ng pagsasanay sa mga batang magtuturo sa kapwa mag-aaral.
- Magsagawa ng pagpupulong na kung saan ang layunin ay magkaroon ng mga kaanib na tutulong sa pagpapalaganap ng masamang epekto ng bullying at kung paano ang tamang pagharap dito.
- Panatilihin ang pagkakaroon ng kompidensiyal, payapa at matatag na samahan upang maging kapani-paniwala sa mata ng bawat bata.
- Maging malikhain at maparaan sa pagsasaliksik ng mga dapat
26
gawin sa pagtuturo ng bullying. Ang pag-iimbita sa mga taong mas may higit ang kaalaman ay isang ring magandang paraan upang mas lalo pang madagdagan ang kaalaman sa tamang pagsasawata ng bullying.
- Nararapat na laging alamin ang layunin at gawain na naaayon sa planong napagkaisahang buuin.
- Pag-aralang mabuti ang mga dapat gawin. Ang pagrerebisa sa mga planong naihain ay maaari ring gawin upang mas lalo pang maging maayos ang pagpapatuloy ng mga gawain.
- Maaari ring ibahagi ang nabuong proyekto sa paaralan tagumpay man o hindi ang kinalabasan nito para mas lalo pang maisaayos ang mga susunod pang gawain.
27
MGA HALIMBAWA NG AKSYON NA DAPAT GAWIN UPANG MAITAAS ANG KAMALAYAN SA BULLYING
- Magkaroon ng “anti-bullying day” sa paaralan.
- Pagbuo ng proyekto o programa na kung saan ay sumusuporta sa pagsasawata ng bullying. Ang pagkakaroon ng patimpalak gaya ng poster making, slogan making, essay writing contest at iba pa ay ilan lamang sa maaaring gawin.
- Pagpapamigay ng pamphlets o sulat laban sa bullying. Ang paggamit ng medya sa pagkampanya upang maitaas ang kamalayan sa bullying ay isa ring mabisang paraan.
- Bumuo ng patakaran na dapat sundin at pagbibigay ng tamang impormasyon dito.
- Bumuo ng samahan na mapagkakatiwalaan at maaaring takbuhan sa oras ng pangangailangan.
28
MGA HALIMBAWA NG AKSYON NA DAPAT GAWIN UPANG MAIWASAN AT MATUGUNAN SA TAMANG PARAAN ANG BULLYING
- Bumuo ng “taskforce” na magtatasa ng mga nangyayaring bullying sa paaralan.
- Pagsasagawa ng “team building” sa mga mag-aaral.
- Linangin ang tamang paraan ng pagsala sa mga kaso ng bullying upang kaagad na maagapan, mabigyang katugunan at maiwasang lumawak ang problema.
- Magkaroon ng kasanayan kung paano ang tamang paraan ng paglikom ng kaso ng bullying dahil ang datos na makukuha ay mahalaga upang magbigyan ng tamang aksyon ang maling pag-uugali.
- Magkaroon ng tamang pamamaran ng pagsubaybay sa mga batang biktima ng bullying.
29
- Patatagin ang binuong komite sa paaralan.
- Subaybayan ang mag-aaral sa paggamit ng internet at cellphone na nagiging dahilan ng cyber bullying.
- Magkaroon ng pagsasanay na kung saan ay malilinang kahusayan sa pagharap ng mga kaso ng bullying.
30
PAGLINANG SA TAWAG NG GAWAIN SA PAMAYANAN
Ang matagumpay na pagsisikap upang maiwasan at magkaroon ng kamalayan sa bullying ay nangangailan rin ng suporta hindi lamang sa paaralan kundi maging sa mga tao sa pamayanan.
Gayunpaman, ang pag-oorganisa ng mga gawain sa komunidad ay isang hakbang na may kahirapang gawin. Ito ay maaaring gumugol ng mahabang oras upang maengganyo ang publiko na sumama sa mga gawain. Narito ang ilang hakbang upang mailnang ang tawag ng gawain sa pamayanan:
- Simulan ang gawain ng buong pagsisikap
- Alamin ang mga mapagkukunan ng mga kailangan sa gawain at taong dalubahasa pagdating sa paglutas ng bullying dahil ang mga ito ay maaaring magamit sa pagpapakalat ng gawain.
- Alamin ang tamang lugar na kung saan ay maaaring magkaroon ng pagtutulungan ang mga mamamayan.
31
- Maging maayos na tagasunod sa itinakdang oras ng paggawa.
- Mag-isip ng mga paraan kung paano magaganyak ang mga tao sa pamayanan na magtipon-tipon upang sumama sa gawain.
- Maging matalino sa pagtugon sa bullying na kung saan ito ay may iba’t-ibang mukha na nagiging dahilan ng kahirapan sa pagsasakatuparan.
- Laging isaalang-alang ang tuntunin at responsibilidad ng mga taong gagamitin upang maabot ang karaniwang layunin.
32
MGA TAONG MAAARING MAKUHANAN NG MUNGKAHI O TULONG SA PAMAYANAN LABAN SA BULLYING
- Mga Opisyales na inihalal ng taong bayan
- Mga Namumuno sa Pamayanan
- Mga Propesyonal pagdating sa Kalusugan at Kaligtasan
- Mga Opisyales sa Pagpapatupad ng Batas
- Mga Namumuno sa Simbahan
- Mga Tagapagturo ng “Special Education”
- Mga Magulang
- Caregiver
- Mga Kabataan Namumuno sa Iba’t-ibang Organisasyon
33
MGA ALITUNTUNIN AT PATNUBAY NA DAPAT SUNDIN SA PAARALAN UPANG MAIWASAN ANG BULLYING
Mga Alituntunin
- Panatilihin ang katahimikan at pagkakaisa sa paaralan.
- Ugaliin at pagpapakita ng kagandahang-asal sa lahat ng oras at pagkakataon.
- Magbigay respeto sa mga guro, matatanda at kapwa mag-aaral.
- Iwasan ang pambabastos o pagmumura sa kapwa mag-aaral.
- Iwasan ang pambubulas gaya ng pananakit, panunukso, pagbabanta, pananakot, pangingikil o anumang bagay na maaaring makasakit ng damdamin ng iba.
- Iwasan ang cyber bullying o pambubully gamit ang “electronic devices”
- Iwasan ang pagsunud-sunod o pagmamatyag sa kapwa mag-aaral na may masamang intensyon.
34
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga bagay na matutulis tulad ng kutsilyo, ice pick at malaking gunting na hindi akmang gamitin ng isang bata na maaaring makasakit o makamatay.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang diskriminasyon sa loob ng paaralan.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkontrol sa kalayaan ng kapwa mag-aaral.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagguhit, pagpapakita o paghawak sa anumang maselang bahagi ng katawan ng isang tao.
- Hindi pinahihintulutan ang panghihikayat na huwag kausapin o awayin ang kapwa mag-aaral.
- Hindi pinahihintulutan ang isang mag-aaral na manguha ng gamit ng ibang mag-aaral na walang paalam.
35
- Hindi pinahihintulutan ang pagsira ng gamit na pag-aari ng iba.
- Ipagbigay-alam sa guro ang masasaksihang pambubully sa paaralan.
- Ipagbigay-alam sa guro ang paghihiganti ng batang nagsumbong o tumestigo sa batang lumabag sa alituntunin.
- Isapuso ang vision, mission at core values ng paaralan.
36
Kasunduan
Ang isang mag-aaral na lalabag sa alituntunin ng paaralan ay isasailalim sa masusing pagsisiyasat at maaaring mapatawan ng kaukulang kaparusahan depende sa bigat ng kanyang ginawang kasalanan.Maaaring magbigay ng angkop na pagdisiplina ang paaralan na hindi magdadala ng pang-aabuso o pananakit sa batang lumabag.
Unang Beses na Paglabag – Pagbibigay ng babala sa batang sumuway sa alituntunin na mali ang kanyang ginawa at inaasahang hindi na ito mauulit.
Ikalawang Beses na Paglabag – Pagpapatawag sa mga mga magulang upang pag-usapan ang ginawang paglabag ng bata at magkaroon ng angkop na ksunduan sa pagitan ng mga nasasangkot dito.
37
Ikatlong Beses na Paglabag – Muling ipapatawag ang magulang o tagapangalaga ang batang lumabag gayundin ang magulang ng kabilang panig upang pag-usapan sa harap ng child protection committee gaya ng prinsipal o guidance coordinator at gurong tagapayo ang paulit-ulit na paglabag ng bata sa alituntunin. Magkakaroon ng masusing pagsisiyasat sa pangyayari at dahilan kung bakit paulit-ulit na ginagawa ng batang nasasangkot ang nasabing paglabag. Kapag napatunayan na intensyon ng bata ang laging makapanakit ng kapwa, siya ay bibigyan ng rekomendasyon at hihilingin na magpatingin sa doctor o espeyalista. Sasagutin rin ng magulang ang gastusin sa gamot at hospital ng batang nasaktan ng kanyang anak.
38
BUMUBUO SA CHILD PROTECTION COMMITTEE
Tagapangasiwa – Punungguro
Pangalawang Tagapangasiwa – Guidance Coordinator
Kinatawan mula sa Samahan ng mga Guro – Pangulo ng Pamunuan ng mga Guro sa Paaralan
Kinatawan mula sa PTA – Pangulo ng Pamunuan ng mga Magulang at Guro sa Paaralan
Mayor ng SPG – Pangulo ng Pamunuan ng mga Mag-aaral
Kinatawan mula sa Barangay – Kinatawan sa Edukasyon sa Barangay
39
MUNGKAHING GAWAIN UPANG MALAMAN ANG HIGIT NA DAHILAN NG PAMBUBULLY
Para sa Batang Nambully
Bagay Na Nagawa |
Dahilan |
Panuntunan Sa Paaralan Na Nilabag |
Aksyong Pangdisiplina |
40
Para sa Batang Biktima ng Pambubully
Bagay Na Nagawa |
Dahilan |
Saloobin sa Pangyayari |
Mungkahi Ng Guro |
41
References:
https://www.slideshare.net/edithahonradez/school-based-child-protection-policy-new
By: Jennifer A. Quiroz | Master Teacher I | Cataning Elementary School | Balanga City, Bataan