Hindi ko po alam kung saan magsisimula dahil ako rin po sa sarili ko po ay hindi ko rin po talaga alam kung ano ang kagustuhan ko. Napakarami nating hinihingi at hinahangad pero minsan ay may mga pagkakataon na kahit makuha mo ang isang bagay na gusto mo makuha ay hindi ka masaya o hindi ka nakukuntento kaya itatabi mo lamang ito at hindi na magagamit pa o itatapon kung wala ng pakinabang,
Hindi lahat ng tao ay pinalad na magkaroon ng kayamanan kaya naman napakaraming tao ang naghahangad na umasenso umangat at matupad ang mga kagustuhan nila, pero iyon nga ba talaga ang gusto nila? Minsan ay ang mga bagay na talagang nilalaman ng puso mo ay nasa iyo na hindi mo lamang ito nakikita o nagbubulag bulagan ka lamang sa katotohanan.
Ingit- isa sa mga dahilan kaya nagkakagulo ito rin ang dahilan kung bakit maraming tao mahirap man o mayaman ang naghahangad ng mas malakas na kapangyarihan pulitika, industriya etc…. kasakiman ang siyang nagiging kalaban ng mga tao kaya hindi nila nakikita kung ano ba talaga ang mahalaga sa kanila, napapabayaan na ang sarili nila at ang mga tao na nakapaligid sa kanila.
Huwag mong sirain ang mga bagay na importante sa iyo para lamang sa katanyagan dahil hindi ka magiging masaya kung ikaw lang ay mag isa kahit gaanong yaman ay wala pa rin kung ikukumpara sa pagmamahal ng iyong pamilya hindi lahat ay mabibili ng pera kahit na napakarami mong barkada kaibigan pero kung dahil lamang ito sa pera mo ay hindi mo parin makakamit ang tunay na kasayahan, ingatan mo kung ano ang meron ka pahalagahan mo ang mga nag mamahal sa iyo ang iwasan mong maligaw ng landas na iyong tinatahak upang hindi mo makalimutan ang mga mahalaga sa iyo.
Nababago ng tao ang tao, sa paglalakbay napakarami mong karanasan na makukuha napakarami mong tao na makikilala at napakarami mong aral na matututunan pero sana naman ay huwag mong kalimutan tumingin sa iyong pinanggalingan, sa mga taong tumulong sa iyo at sa diyos na laging sumusubaybay sa iyo.
By: PURITA V. QUILIT ADMINISTRATIVE ASSISTANT III DEPED HERMOSA NATIONAL HIGH SCHOOL