Ang buhay ay lagi ng puno ng mga roles na dapat nating gampanan. Kahit isang katauhan lamang ay marami tayong roles na araw-araw ay ginagampanan.
Bilang guro, ako rin ay isang ina, asawa, anak, kapatid, kaibigan at kasama. Sa bawat taong aking nakakasalamuha ay nagkakaroon ako ng bagong role na gagampanan.
Bilang guro, marami pa ring ibang roles ang ginagampanan natin sa loob at labas ng silid-aralan – nandiyan ang minsan ay artista ka, doctor, nars, karpintero, tubero, at marami pang iba. Lahat ng roles na iyan ay ginagampanan natin kahit kung minsan ay tunay na mahirap.
Ang pagiging guro ay may kaakibat na napakaraming responsibilidad – liban sa pagtuturo, marami pang gawain at tungkulin ang dapat nating isagawa sa araw-arawa na tayo ay pumapasok sa paaralan.
Tungkulin turuan, alagaan at hubugin ang mga kabataang nasa ating pangangalaga.
Subalit ang mga magulang ng mga batang ating tinuturuan ay mayron ding tungkulin dapat gampanan at hindi na dapat iasa pa sa mga guro sa paaralan.
Tungkulin ng mga magulang na siguruhing may kumpeto at sapat na gamit pampaaralan ang mga bata; pumapasok nang maayos – malinis at mabikas ; pumapasok na may laman ang tiyan upang makapag concentrate sa mga aralin; at makipag-ugnayan sa guro at sa paaralan para sa progreso at pag-unlad ng kanilang mga anak sa pag-aaral.
Kung minsan ay tila nalilimutan na ng mga magulang ang kanilang tungkulin at nakakapasok ang mga anak na kkung ano ang suot kahapon ay siya pa ring suot ngayon; hindi nag-almusal; walang pang-recess; walang baong tanghalian; walang gamit na kailangan sa paaralan.
Maari pang maintindihan nab aka lang si Nanay o si Tatay kaya di naasikaso ang mga bagay na ito kung nangyayari lamang ng isa o dalawang o kahit tatlong beses. Subalit kung halos araw-araw naman ay laging ganito ang nagiging problema, anon a kaya ang tawag dito.
Bilang mga guro, tunay na gagawin ng guro ang lahat upang makatupad at magawa nang tama an gaming mga responsibilidad – ang aming mga roles sa buhay.
Sana ay hindi naman din malimutan o makaligtaan ng maraming magulang ang kanila namang roles na dapat gampanan.
By: Rosemarie C. Laxa | Capitangan Elementary School | Abucay, Bataan