ARUGA MO INA

Hindi ko batid noong una Yaong pagluha mo nang una akong makita kung bakit nahihikbi ka Sabay pagdaloy ng likido sa iyong mga mata Siguro’y nagagalak ka kaya ganito din ang nadarama sapagkat nakangiti ka kapag sa aki’y nakatitig ka Halos natataranta ka sa t’wing ako’y pumapalahaw Sinusuri ang dahilan upang ako’y mapanatag lamang Noon…


Hindi ko batid noong una

Yaong pagluha mo nang una akong makita

kung bakit nahihikbi ka

Sabay pagdaloy ng likido sa iyong mga mata

Siguro’y nagagalak ka

kaya ganito din ang nadarama

sapagkat nakangiti ka

kapag sa aki’y nakatitig ka

Halos natataranta ka

sa t’wing ako’y pumapalahaw

Sinusuri ang dahilan

upang ako’y mapanatag lamang

Noon nga’y natutong dumapa

Natutong lumakad sariling mga paa

Nakapagsalita ng ina’t ama

Labis ang iyong ligaya.

Hanggang ngayo’y hindi ka nagsasawa

Hindi nagbago haplos mong napakaaruga

Ngayong batid ko na

Salamat sa iyo aking INA.

By: Perlie O. Serrano | Limay Polytechnic College