Sa pagpasok ng ika-dalawampu’t isang siglo ay patuloy na napapansin ang pagdami ng gumagamit at nakikinabang sa teknolohiyang digital. Sa araw-araw ay nasasaksihan natin ang patuloy na pagyabong ng mga umagamit ng Teknolohiyang Digital estudyante man o mga guro at ito ay patuloy na nagdudulot ng malaking pagbabago sa mundo. Ang tao ay patuloy na nakikinabang sa mga benepisyong dulot nito; bagamat marami ding balita ang tungkol sa hindi magagandang pangyayari ang nababasa natin; halimbawa, ang pagwithdraw o pagkuha ng pera sa bangko ng ibang tao na hindi naman sila ang may-ari, ang mga tinatawag na cyber bullying na madalas nating marinig na ibinabalita sa mga telebisyon. Anupa’t kung may kabutihan ay may kasamaang dulot din ang digital technology. Sa ganitong sitwasyon ay kailangan ang mahiggpit na disiplina at higit pang impormasyon sa mga pangyayari sa araw-araw.
Isa sa malaking naitulong sa pagtuturo ay ang multimedia. Ito ang pinagsama-samang mga text, tunog, audio at videos. Halimbawa nito ang mga makabagong pelikula, mga laro o video games na nakakatulong sa paraang biswal ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Sinasabi ng ibang mag-aaral na hirap silang matutuhan ang asignaturang Araling Panlipunan, sa dahilang maraming petsa, lugar at pangyayari ba dapat tandaan, maraming dapat kabisahin. Malaking tulong sa kanila kung may visual aid na gagamitin ang guro. Madaling maunawaan at tandaan.
Kung gagamit ang guro ng Araling Panlipunan ng multimedia sa loob ng silid-aralan, marahil ang mga bata ay higit na magiging interesado sa pag-aaral ng asignaturang ito. Dapat pagtuunan ng pansin ng mga guro ang mabilis na pagbabago sa mundo ng digital technology, na dapat ay umagapay sa mga estratehiya at pagdulog na ginagamit sa pgtuturo ng iba’t ibang paksa ng Araling Panlipunan.
Maraming guro ang nakapapansin na maraming mga mag-aaral ang nagiging aktibo kung gumagamit ng mga laro o video games sa pagtuturo kaysa sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Kagaya ng tanong at sagot, lecture, discussion at chalk and blackboard approaches.
Napapanahon na upang ang mga guro na gumagamit pa ng tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay sumubok namang gumamit ng multimedia at pansinin kung ito ay nakakatulong sa pagtataas ng achievement ng mga mag-aaral.
Sanggunian:
Griffin, L. L. & Butler, J. L. (2006) (Eds.) Teaching Games for Understanding: Theory, Research & Practice Campaign II.
By: MICHELLE A. MACALINTAL|TEACHER I|BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL|BALANGA, BATAAN