Guro , isang instrument na humuhubog sa mga kabataan , Pangalawang Magulang sa bawat paaralan!
Nakakalugod isipin may mga taong naghahanap ng paraan upang matulungan ang mga kaguruan na makuha ang mga benepisyong dapat ay kanilang nakakamtan sa panahon ng kapaskuhan o buwan ng Disyembre.
Naging maingay ang buong Rehiyon 3 ng Bumaba ang nasabing Memorandum na nagsasaad ng mga tala ng kaguruan na naatasan na magpahayag ng mga benepisyong makukuha ng buong kaguruan sa nasabing rehiyon.



Lumabas ang memorandum na nag-sasaad na magkakaroon ng Ratification sa buong region 3 na nasabayan ng bagyo kaya ito ay nareschedule na muli.
Unang inilunsad ito sa Balanga City noong ika 30 ng Octobre taong kasalukuyan.
October 31 , 2024 ay inilunsad ito sa Pampanga
November 05, ito ay inilunsad sa Zambales na ang inyong lingkod ay naatasang magbigay kaalaman sa Distrito ng palangui .
November 07, ginanap sa Distrito ng Bataan at ang inyong lingkod ay naatasan sa Morong Bataan
November 08, ay inilunsad sa lalawigan ng Nueva Ecija at ako ay naaatasan sa Palayan City
November 12, ito ay naganap sa lalawigan ng Bulacan , san Rafael CS ditto ako uli nagbahagi ng kaunting kaalaman.
November 14, sa lalawigan ng tarlac na kung saan ako ay di napabilang kaya ako ay pumasok sa aking mahal na paaralan.
Huling inilunsad ang nasabing ratification sa lallawigan ng Aurora na napakapalad naming dahil hindi kami inabutan ng bagyo , ako ay nagbahagi sa bayan ng Baler na kung saan ay napakabait ng kanilang magiting na school head na si Gng. Aurora Lombres kami ay kaniyang itinur upang aming Makita ang kagandahan ng baler.napapamangha ka sa ganda ng lugar na aking pinangarap nuong ako ay musmos pa.
Napakapalad nating mga kasapi ng Assert dahil soonest ay ating matatanggap ang mga karagdagang Benepisyo na ating makukuha .
Basta ito lamang ang aking masasabi sa mga kapwa ko guro nab ago kayo aalis o nahirang na magbigay kaalaman sa iba siguraduhing nakasecure ang ating travel order at dapata ay alam ito ng ating mga heads kung saan ka naka distinong departamento.
At bago tayo humarap sa ibang tao magbaon tayo ng panalangin at kaalamanupang ating masagot mga bagy na katanungan na lumalaro sa kanilang isipan.
Mapalad ang Region 3 dahil andyan ang mga kabataan na nag-alay ng dedekasyon at pagmamahal upang makuha ang mga karapatan at dagdag benepisyo ng mga kaguruan.
Sa ngayon ang nasabing Ratification ay natapos ng may ngiti sa labia ng bawat kasapi ng Union Assert lang SAKALAM!