Bagong Bayani

Sa liwanag ng araw, sa dilim ng gabi,May isang bayani, hindi napapansin lagi.Tangan ang chalk, papel, at pag-asa,Ang puso’y alay sa bawat isa.Sa bawat umagang punong-puno ng hirap,Tiwala’t tiyaga ang kanyang hawak.Ginagabayang maigi ang kabataan,Kahit minsan siya’y napababayaan.Sa maliit na silid na puno ng pangarap,Ang boses ng guro’y tagapagmulat.Sa gitna ng init o ulan na…


Sa liwanag ng araw, sa dilim ng gabi,
May isang bayani, hindi napapansin lagi.
Tangan ang chalk, papel, at pag-asa,
Ang puso’y alay sa bawat isa.
Sa bawat umagang punong-puno ng hirap,
Tiwala’t tiyaga ang kanyang hawak.
Ginagabayang maigi ang kabataan,
Kahit minsan siya’y napababayaan.
Sa maliit na silid na puno ng pangarap,
Ang boses ng guro’y tagapagmulat.
Sa gitna ng init o ulan na bumubuhos,
Ang kanyang aral ay walang takot, walang lubos.
Salapi man minsan ay kulang sa bulsa,
Di niya iniinda ang pagod at dusa.
ngiti ng mag-aaral ang kanyang medalya,
Ang tagumpay ng iba ang ligaya.
O guro, haligi ng kinabukasan,
sakripisyo mo’y di matutumbasan.
Salamat sa pagmamahal na walang kapantay,
Ikaw ang tunay na bayani ng ating bayan.