Bagong Bayani ng Karunungan

Sa loob ng dalawang taon ng pagpapatupad ng ating pamahalaan ng K to 12, hindi maikakaila na medyo nahirapan ang lahat ng public schools lalo na yung mga walang maayos na silid aralan para sa mga papasok na estudyante. Subalit ang tanong, may nangyari na kaya?             Apat na taon lang ang orihinal na haba…


Sa loob ng dalawang taon ng pagpapatupad ng ating pamahalaan ng K to 12, hindi maikakaila na medyo nahirapan ang lahat ng public schools lalo na yung mga walang maayos na silid aralan para sa mga papasok na estudyante. Subalit ang tanong, may nangyari na kaya?

            Apat na taon lang ang orihinal na haba ng pag aaral ng isang estudyante sa panahon ng lumang curriculum ng Department of Education. Subalit, dahil sa K to 12 Law, nadagdagan ng dalawang taon ang pagpapakahirap ng isang estudyante. Hindi kaila na medyo nabigla hindi lang ang ating bulsa pati na ang ating mga isipan sa pagpapatupad ng programang ito. Malamang na mahihirapan hindi lang ang mga estudyante kundi pati ang mga magulang.

            Ngunit gaya nga ng sabi nila, bago mo matamasa ang kaunlaran, ay kinakailangan mong magsakripisyo. Sa pagpapairal ng ganitong programa, kinakailangan pa ng classroom shifting para lamang makapag klase ang mga guro kaya naman nauubos ang oras nila sa pagsaway sa mga makukulit na estudyante. Bukod pa rito ang kalidad ng mga silid- aralan na kung hindi sira ang mga silya, ay walang maayos na bentilasyon para sa mga mag- aaral. Kung hindi naman silid aralan ang problema, ay ang dami ng mga estudyante ang kadalasang sakit ng ulo. Sa isang classroom  maaaring umabot ang bilang ng mga mag aaral sa limampu o kaya nama’y animnapu. At sa tinatayang paglaki ng populasyon ng 2.3 bahagdan kada taon, sa maikling oras lamang ay kukunin ng mga ito ang kanilang karapatan para makatanggap ng maayos na edukasyon.

            Malamang na matagalan pa ang ‘adjustment period’ ng ating mga paaralan para sa pagpapatupad ng ganitong mga programa. Kunsabagay, dalawang taon pa lang naman ang nakalilipas nang simulan ang implementasyon nito. Sa tinatakbo ngayon ng programa, masasabi kong medyo ‘nagpapakiramdaman’ pa ang mga paaralan sa mga hakbang na kanilang gagawin.

 At ang sagot kung may nangyari na ba? Wala pa. Wala pa, dahil saka pa lang natin mabibistayan kung may resulta nga ang lahat ng paghihirap ng Gobyerno sa pagtatapos ng mga estudyanteng ito at sa pagtapak ng mga ito bilang mga propesyunal na manggagawa. Apat na taon pa ang titiisin at apat na taon pa ang hihintayin bago natin masabi na ‘sulit’ lahat ng paghihirap at pagpupursige ng mga kaguruan sa paghubog sa mga kabataan na ito.

Sabi nga ng isang isang teorya, ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa kalidad ng edukasyon. Ang ibig sabihin, kapag mas may pinag- aralan ang mga tao,mas malaki ang pagkakataon ng pag- unlad sa aspeto ng ekonomiya. Napaka simple ng lohika. Kinakailangang busugin mo nang maigi sa kaalaman ang mga kabataan para nang sa gayon ay sila naman ang magmana ng ating nasimulang adhikain. Sapagkat hindi pwedeng tumunganga na lamang ang mga Pilipino at maghintay ng bayani na sasagip sa kanila sa tinatamasang kahirapan.

 

 

By: Rowena A. Delfin | Teacher III | Mariveles National High School – Poblacion | Mariveles, Bataan