BAGONG DAAN

Pag-unlad ay muling tinatanaw ng mga Pilipino dahil sa naganap na pangkalahatang halalan o “national election” noong ika-9 ng Mayo sa kasalukuyang taon. Ang nagdaang eleksyon ay naging mainit na usapan sa buong bansa. Lahat ay may kanya-kanyang kandidato at ang iba ay nag-away pa dahil sa pagkakasaliwat ng mga opinyon. Ito ay nagbigay ng…


Pag-unlad ay muling tinatanaw ng mga Pilipino dahil sa naganap na pangkalahatang halalan o “national election” noong ika-9 ng Mayo sa kasalukuyang taon. Ang nagdaang eleksyon ay naging mainit na usapan sa buong bansa. Lahat ay may kanya-kanyang kandidato at ang iba ay nag-away pa dahil sa pagkakasaliwat ng mga opinyon. Ito ay nagbigay ng malakas na tama o “impact” hindi lamang sa netizens(internet users) kundi maging sa buong sambayanan. Ang okasyong ito ay nararapat lamang bigyang pinsan dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bayan.

Sa haba man ng paglalakbay, mayroon pa rin nanguna o nangibabaw na kandidato sa pagka-pangulo at sa pagka-pangalawa. Si Mayor Rodrigo Duterte ang napusuan ng taong bayan upang maging bagong ama ng ating bansa. Nagkaroon naman ng mahigpit na labanan sa pagitan ni Rep. Robredo at Senator Marcos sa pagka-bise presidente ngunit base sa final official canvas ay nanaig pa rin si Rep. Leni Robredo na magiging bagong ina ng Pilipinas.

Nai-proklama na ng Senado at House of Representatives ang mga bagong lider ng Pilipinas na sina President Duterte at Vice-President Robredo noong ika-30 ng Mayo sa kasalukuyang taon. Marami ang hindi sang-ayon pero mas marami ang natuwa at nagtitiwala sa ating “newly-proclaimed leaders” na sa bagong daan na ipapakita nila ay may bagong pag-asa rin na masisilayan ang mga Pilipino tungo sa pagunlad.

By: Angelica V. Tabungar