Bagong Panahon: Bagong Estilo para sa Makabagong Guro

Binabantayan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang limang estudyante nang makitaan sila ng sintomas ng nakakamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon ito sa mga manunulat ng balita na sina Merlina Hernando-Malipot, Bella Gamotea, Mary Ann Santiago, at Leandro Alborote ng Manila Bulletin taon 2020.   Simula noong pumutok ang mga balita at kumalat…


Binabantayan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang limang estudyante nang makitaan sila ng sintomas ng nakakamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon ito sa mga manunulat ng balita na sina Merlina Hernando-Malipot, Bella Gamotea, Mary Ann Santiago, at Leandro Alborote ng Manila Bulletin taon 2020.

 

Simula noong pumutok ang mga balita at kumalat ang malubhang sakit dulot ng Covid-19 virus ito ay nagkaroon ng isang malaking pagbabago sa ating normal na buhay bilang isang tao. Bukod sa maraming mamamayan natin ang naapektuhan tulad ng pagkakasakit, nagkaroon din ng pagsasara ang ilang kompanya at establisyemento sa ating bansa. Nagdulot ito para sa maraming  mangagawang Pilipino na tumigil at mawalan  ng hanapbuhay. Ang ating mga sangay ng pamahalaan ay nakadama din ng matinding pagsubok dulot ng pandemya. Isa na dito ang Departamento ng Edukasyon sa Pilipinas na naglulunsad ng maganda at may hangarin na mapataas ang kalidad ng edukasyon. Ang paaralan o ang pangalawang tahanan ng mga kabataan ay tila hindi na muli masisilayan ng mga mag-aaral. Kasama ang mga guro na isa sa mga sangkap upang maisakatuparan at mapagtagumpayan ang misyon at layunin para sa mga kabataan ay malayong masilayan. Sa kabila ng maraming pagsubok sa mga taon na nilalakaran ng mga guro sila ay matapang na nakikipaglaban. Ang mga mag-aaral ay tila nangangapa para sa mga pangarap nila na naantala tulad ng makatapos ng kanilang pag-aaral at makarating sa magandang hinaharap ng kanilang buhay.

Kahit na nagkaroon ng malawakan na pagsasara ng mga paaralan hindi natinag ang mga guro upang maipagpatuloy ang pagbibigay nila ng maraming kaalaman para sa mga kabataan. Kasabay ng kanilang bokasyon para sa kanilang propesyon. Lumabas ang galing ng mga guro at ang pagiging malikhain batay sa mga stratehiya para sa kanilang pagtuturo sa panahon kung saan napakahirap ng sitwasyon. Naglunsad  ng maraming pamamaraan at estilo ang Departamento ng Edukasyon para maipagpatuloy ang pagtuturo at paghubog  sa kaisipan ng mga kabataan. Nandyan ang online class at modular learning na kung saan ay naging iba sa tradisyon na pagtuturo tulad ng face to face classes. Maraming kinaharap na iba’t-ibang problema ang ating mga guro kung saan ito ang nagbibigay dahilan upang subukin ang kanilang katatagan ngunit hindi ito naging hadlang upang maipagpatuloy ang kanilang nasimulan.

Sa tulong ng mgapamunuan ng ating Departamento ng Edukasyon sa Pilipinas  sinisikap nila na magpatuloy ang pagbubukas ng klase sa taon ng 2020. Ngunit ayon sa pahayag ni Education secretary Leonor Briones noong Agosto 14, 2020 , 02:42 ng hapon  ayon sa ABS CBN News, at MAYNILA (UPDATE), sinabi niyang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon nila na iurong ang class opening dahil na rin sa epekto ng modified echanced community quarantine (MECQ) sa paghahanda.

“We will implement such a decision to defer school opening to October 05 pursuant to Republic Act No. 11480,” ani Briones, (ABS CBN News, Agosto 14, 2020, 02:42 ng hapon at MAYNILA (UPDATE)

“Nakatakda sana sa Agosto 24 ang pagbubukas ng klase,kung saan blended learning ang gagamitin dahil sa pandemya.Kabilang sa mga material na gagamitin sana ang online, TV, radio,modules, o iba pa.”ayon ito sa ABS CBN News,Agosto 14, 2020 , 02:42 ng hapon at MAYNILA (UPDATE).

Ito ay naging malaking hamon para sa mga namumuno at bumubuo ng Departamento ng Edukasyon sa ating bansa ang mga plano upang maituloy ang pagbubukas ng klase. May mga mga magulang na ikinatuwa ang anunsyo sa hindi pagtuloy ng pagbubukas ng klase sa nasabing taon, pero mayroon ding nanghihinayang.

” Sana igugol na ang paghahanda para sa seryosong matugunan yung mga hinanaing ng mga guro at magulang. Kailangan may sapat na proteksyon, sapat na gamit. Sana maibigay nang buong buo ang pangangailangan ng education sector.” Ani Raymond Basilio, secretary general Alliance Concerned Teachers, (ABS CBN News,Agosto 14, 2020 , 02:42 ng hapon at MAYNILA (UPDATE).

Nagkaroon ng maraming paghahanda at pinagaralan muna ng mabuti ng bawat sector ng edukasyon ang desisyon sa pagbubukas ng klase.

“Inihayag kahapon ni Department of Education (DepED) Secretary Leonor Briones na ang pagbubukas ng school Year 2020-2021 sa bansa nitong Lunes, ay pagpapakita ng tagumpay laban sa hamon na dala ng mapanirang pandemya ng COVID-19.” ayon ito kay Mer Layson ng Pilipino Star Ngayon noong Oktubre 06, 2020.

Let the classes begin! deklara ni Briones (Mer Layson ng Pilipino Star Ngayon noong Oktubre 06, 2020).

Ang “blended learning” ang naging estilo ng pagtuturo ng mga guro katulad ng online classes at module gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng laptop, cellphone atbp. Ng mga mag-aaral sa pampribado at pampublikong paaralan. Bagamat mahirap para sa mga iilan nating matatandang guro ang makisabay sa makabagong pagtuturo gamit ang teknolohiya sila ay hindi sumuko dahil may mga nakahandang pagsasanay para sa paghahanda ng makabagong pagtuturo. Ang lahat ng guro ay bukas ang kanilang puso’t isipan na matuto ,madagdagan ang kanilang kaalaman at upang mapaunlad din ang kanilang propesyon na pinili at sinumpaan.

Ang mga pagbabagong ito sa estilo ng pagtuturo ang nagpapatingkad sa mahigpit na pangangailangan ng ating kasalukuyang Sistema ng edukasyon sa bansa. Ang modyul, online class at iba pang materyales ay ginagamit sa pag-aaral sa iba’t-ibang asignatura upang mas lalong mapa-unlad ang kakayahan at kaisipan ng mga mag-aaral sa paaralang gradwado at kolehiyo sa kabila ng pandemyang nararanasan ng bawat isa.

Bunga nito, ang mga mag-aaral ay sagaran ang paggamit ng teknolohiya atbp., materyales upang maipagpatuloy nila ang pagtuklas ng kaalaman, matuto at paghabi sa kanilang sa kanilang isip. Sa kabila ng pagbabago ito sa edukasyon, marami sa mga kabataang mag-aaral ang nagkakaroon ng positibo at negatibong epekto sap ag-aaral ngunit sa tulong ng bawat isa ay nakapagbibigay ng solusyon tungkol sa mga problema o suliraning ito.

Sa buhay ng isang guro mahalagang bahagi nito ang pagtatamo ng mga kasanayan at kaalaman kaugnay sa epektibong pagtuturo para sa mga mag-aaral. Hangad ng bawat isa ang makatulong at makarating tayo sa magandang bukas. Maituturing din nating makabagong bayani ang ating mga mahal na guro ng makabagong panahon.

By: Julius H. Casuga | Tomas Del Rosario College