BAKIT ANG GURO AY PANGALAWANG MAGULANG DIN?

Humigit kumulang walong oras ang ginugugol ng isang bata sa paaralan. Ang pangangalaga ng guro ay doble pa nga. Nakaatang sa balikat ng mga guro ang responsibiladad ng mga mag-aaral. Ang akala ng iba ay ganoon kadali ang maging pangalawang magulang. Na minsan, sa isang pagkakamali na mapagsabihan o mapagalitan ang mga bata ngunit ito…


Humigit kumulang walong oras ang ginugugol ng isang bata sa paaralan. Ang pangangalaga ng guro ay doble pa nga. Nakaatang sa balikat ng mga guro ang responsibiladad ng mga mag-aaral. Ang akala ng iba ay ganoon kadali ang maging pangalawang magulang. Na minsan, sa isang pagkakamali na mapagsabihan o mapagalitan ang mga bata ngunit ito ay para sa kanilang ikabubuti ay minamasama na minsan ng ilang  mga magulang. Bawat minutong inilalagi nila sa loob ng silid-aralan ay bawat minuto ring pagbabantay ng mga guro na kadalasa’y  40 hanggang 60 estudyante na itinuturing na mga anak. Bukod pa sa mga pagtuturo ng mga aralin upang sila’y bigyan ng kaalaman ay nandoon pa rin ang pangangalaga na syang kanilang pangalawang magulang sa paaralan. Takbuhan ng mga iba’t-ibang problema ng mga mag-aaral. Na ang personal na problema ay nababalewala na upang matugunan lamang ang pangangailangan ng bawat mag-aaral upang mahutok at mapanday natin sa mas maganda at kapaki-pakinabang na hinaharap.

 

By: IRIC R. GERALDEZ | Master Teacher-I | Sampaloc Elementary School | Morong, Bataan