Bakit di mo ibahin ang pananaw mo sa buhay?

  Madalas tayong mainis sa mga pangyayari sa ating buhay. Ngunit bakit natin pababayaan  i-stress ang  sarili, kung may magagawa naman pala tayong paraan upang gumanda ang pananaw natin sa ating buhay. Basta gawin lamang positibo ang lahat at ipagpasalamat sa Diyos na sa kabila masamang sitwasyon ay may magandang dulot. Tulad ng;      Salamat…


 

Madalas tayong mainis sa mga pangyayari sa ating buhay. Ngunit bakit natin pababayaan  i-stress ang  sarili, kung may magagawa naman pala tayong paraan upang gumanda ang pananaw natin sa ating buhay. Basta gawin lamang positibo ang lahat at ipagpasalamat sa Diyos na sa kabila masamang sitwasyon ay may magandang dulot. Tulad ng;

     Salamat Lord: Kahit panay ininit na pagkain na lang ang madalas ihain ni misis, kasi ibig sabihin nu’n ay nasa bahay siya at kasama kang lagi. O kung nakatutok lang sa buong maghapon at gabi  sa TV ang mister mo,dahil ang ibig sabihin din ay nasa bahay siya at wala sa kandungan ng ibang babae. O kung pinaghuhugas mo ng pinggan ang anak mo at ayaw gawin, pasalamat ka dahil nasa bahay siya at wala sa kalye.

     Salamat Lord: Sa kinakaltas na buwis, dahil ang ibig sabihin ay may trabaho ka. Sa kalat na lilinisin pagkatapos ng pagdiriwang, salamat dahil pinaligiran ka ng iyong mga kaibigan. Sa pagsikit ng mga damit, dahil ibig sabihin ay kumakain ka ng sapat.

     Salamat Lord:  Sa bintanang dapat punasan, sa sahig na dapat walisin, sa butas ng bubong na dapat tapalan, sa kwartong magulo na dapat ayusin, dahil ibig sabihin nu’n meron kang sariling tahanan na tinitirahan.

     Salamat Lord: Sa mga naririnig mong hinaing sa  tungkol gobyerno, dahil ibig sabihin’y may kalayaan pa sa pamamahayag. Sa parking slot na nasa kadulo-duluhan ng parking area, salamat at my kakayahan ka pang maglakad. At may bonus pang dapat ipagpasalamat dahil binigyan ka ng Diyos ng sariling sasakyan. Salamat sa laki ng electric bill, kasi meron kang ilaw, bentilador, rice cooker, fridge at tv.

     Salamat lord: Salamat sa mga kasamahang mong mga 7/11, kaya 7/11 dahil 24 hrs. bukas ang bunganga sa kachi-chismis, dahil ibig sabihin no’n nakaririnig ka pa. Sa tambak na labahin at plantsahin, dahil meron kang damit. Sa pagod at masakit na katawan pagkatapos ng buong araw ng pagtratrabaho, salamat,  kasi kaya mo pang magtrabaho. Magpasalamat sa ingay ng kapitbahay sa umagang-umaga, dahil ibig sabihin ay buhay ka pa.

     Mabuhay ng lubos, tumawa ng malimit, at magmahal ng sagad sa puso.

 

By: Jose Mari R. de Leon | Teacher III | Bataan National High School | Balanga, Bataan


Previous