“Kapag naisip mo nang sumuko, balikan mo kung bakit ka nagsimula.”
Totoo! Hindi madali ang pagpapayabong ng binhi ng kaalaman para sa mga sinsabing pag-asa ng bayan. Ang daming kalaban – teknolohiya, barkada, bisyo at iba pa. Ngunit bilang isang tagapagpanday ng isipan, wala sa pagpipilian ang sila’y sukuan. Kailangang ihanda sila sa laban sa labas ng apat na sulok ng paaralan. Ayon kay Stephen Covey, ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap – ISIP, PUSO, at KAMAY/KATAWAN. Kaya bilang isang guro ng makabagong panahon, hindi lamang isip ang dapat hasain sa ating mag-aaral. Hanggat maaari, BALANSE!
Lagi kong sinasabi sa aking mga mag-aaral, may oras para making at may oras para magsalita. Makinig para matuto. Magsalita para ibahagi ang kaalaman. Matutong maghintay ng iyong pagkakataon. Matutong itikom ang bibig lalo’t kung kinakailangan. Bago ito ibukas, sana’y alam kung ito ay makakatulong o hindi. MAKINIG! Buksan ang puso at isip para matuto.
Mahalaga rin na dapat ay bigay natin sila ng pagkakataong magsalita. Tahimik lang ‘yan pero maraming nais ibulalas ang kanilang puso. Bigyan natin ng pagkakataon and let them speak from their hearts.
Siguro nga’y hindi na nila matatandaan ang lahat ng itinanim mo sa kanilang isipan pero alam kong tatatak ang lahat ng itinanim mo sa kanilang puso.
Ipagpatuloy ang apoy ng pagnanais na hubugin ang kabuuan ng mga kabataan. Para sa bata! Para sa bayan!
Teka! Bakit nga pala ako nagsimula?
By: Mr. Jayremiah C. Gallardo | Teache I | Bataan NAtional HIgh School | Ba;anga City, Bataan