BATA AT BAYAN

          Ang Departamento ng Edukasyon ay isinusulong ngayon ang parirala na “Para sa Bata, Para sa Bayan”.  Ang parirala na ito ay isa lamang sa mga mensahe na gustong bigyan diin upang mas mabigyan ng magandang kalidad ng pag-aaral ang mga kabataan sa panahon ng New Normal.           Bata ito ay…


          Ang Departamento ng Edukasyon ay isinusulong ngayon ang parirala na “Para sa Bata, Para sa Bayan”.  Ang parirala na ito ay isa lamang sa mga mensahe na gustong bigyan diin upang mas mabigyan ng magandang kalidad ng pag-aaral ang mga kabataan sa panahon ng New Normal.

          Bata ito ay tumutukoy sa tao na may murang edad at kadalasan ay nag-aaral sa loob ng paaralan. Bayan ito ay tumutukoy sa ating bansa. Ano nga ba ang kahulugan ng bayan sa bata, hindi lingid sa ating mga Pilipino ang kasabihan ng ating pambansang bayani na ang bata ang pag-asa ng bayan. Kaya’t ang Departamento ng Edukasyon ay pinipilit na mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga bata sa bawat paaralan sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng seminar at training sa mga guro, pagbibigay importansiya sa pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral at pagsasaayos sa mga silid-aralan upang mabigyan ng maayos at seguridad na tahanan ang mga bata sa loob ng ating paaralan, dahil ang ating gobyerno ay naniniwala na ang mabuting mag-aaral at magaling na mag-aaral ang magiging pag-asa ng ating bayan.

          Kaya’t kung ikaw ay isang bata na may puso sa ating bayan iyong tandaan na ikaw ang magbibigay daan para sa magandang kinabukasan ng bansa kaya’t iyong pag-igihan ang iyong pag-aaral ng ang ating bansa ay maging Matatag, Maganda at Payapa.

 

By: Mrs. Olivia C. Agron | Teacher II | Our Lady of Lourdes Elementary School | Munting Batangas, Balanga City, Bataan