Nakakaalarma ang mga nangyayari ngayon sa ating lipunan lalo pa’t kadalasa’y mga kabataan ang sangkot. Paano na ang ating kinabukasan kung ang inaasahang pag-asa ng bayan ang siyang sangkot sa iba’t-ibang krimeng nagaganap?
Droga ay tunay na salot sa ating lipunan. Nagbibigay ng hindi magandang epekto sa mga gumagamit. Halos mga kabataan ang naeenganyo sa paggamit nito. Mga kabataang hindi lamang ang kinabukasan ang nasira pati na rin ang sarili nilang pag-iisip. Alam kong mulat tayong lahat sa mga pangyayari. Alam kong nakakaramdaman din kayo ng kalungkutan gaya ng nararamdaman ko san tuwing makakakita o makaririnig ako ng masamang pangyayari na ang sangkot ay ang mga kabataan at ito ay dahil sa lulong sila sa ipinagbabawal na gamot. Kundi lang sana sila naligaw ng landas, nakatutulong na sila sa kanilang pamilya. Kundi lang sana sila naligaw ng landas, nakatutulong na sila sa ating lipunan.
Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan at ang droga ay tunay na salot sa ating lipunan.ang tangi lamang magagawa ko ay ipagdasal ang mga kabataang walang muwang sa mundo na napadpad sa madilim na bahagi ng ating lipunan.
By: El Shiela Marie D. Carlos