Tatlong buwang pinaghandaan itong nangyaring halalan;
Samu’t saring kaganapan ating natunghayan;
Mula sa telebisyon, gayon din sa social media ang kaingayan;
Pero sa di-kilalang bayani, namamayani ang katahimikan.
At dumating na ang oras na pinakahihintay;
Simula madaling araw, pahinga’y kinalimutan;
Ramdam ang pagkataranta, suot ang pagkadakila;
Sa loob ng maskara sa mukha ang sakripisyong dala.
Munting pagkakamali’y di matatawaran ng taumbayan;
Sasaluhin ang dagdag gawain para sa mga may kapansanan;
Kasama na rito ang datihang botante at mga baguhan;
Umaga hanggang hapon, pagsisikap mo’y di mapapantayan.
Pagsapit ng dilim, buwis buhay ang bitbit;
Pagod at puyat ay kanilang tiniis, para sa pagbabagong hatid;
Pinapaligiran ng mga huradong –nagmamalinis;
Alingawngaw ng resulta ay dahil sa gurong magiting.
Halina’t pasalamatan, mga bayaning tinuringan;
Kahanga hangang gawa hindi matatawaran;
Nagsilbi silang gabay, mga gurong hinangaan;
Sila ang tunay na bayani ng halalan.
By: MR. JASON NERI RABOY | ADMIN AIDE IV |OLONGAPO CITY