Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakabubuti o nakasasama. May mga naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan lalo’t higit sa mga kabataan sa ngayon. Subalit ika nga, nasa tao rin ang sagot sa ikapapahamak niya gamit ang isang bagay. Laluna’t kung sobra anumang bagay ay may masamang idinudulot.
Batay sa mga ilang babasahin at lathalain, ang paggamit ng teknolohiya ay isang paraan upang mapaunlad ang antas ng libangan ng tao. Sa dami ng mga on-line games, may mapipili kang mga laro na nagsisilbing libangnan ng tao. Mapapadali rin ang pagtugonsa mga kaganapan gamit ang makabagong teknolohiya. Ang mainam pa rito, ay maaaring mapabilis at mapadami ang mga gawain maaaring magawa. Marami ring mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon, ang Global Networking ay makikilala ng husto.
Datapwa’t gaya ng aking nanbanggit ang lahat ng sobra ay nakasasama. Ang sobrang gamit ng teknolohiya ay nagdudulot ng pagiging tamad ng isang tao. Mas marami ang oras na iginugugol sa paglalaro kumpara sa pag-aaral. Ito rin ay maaaring gamitin sa mga karahasan. Walang masama kung sasabay tayo sa ikot o galaw ng makabagong panahon gamit ang makabagong teknolohiya. Subalit maging responsable tayo sa bawat paggamit nito.
By: JOEY R. CABRERA | Master Teacher I | Pagalanggang National High School