BIKTIMA AT KRIMINAL

Naaalala ko ang lugar na ito. Lugar na puno  ng masasalimuot at kasuklam-suklam na mga alaala. Mga titig na mapanghusga, mga bulungan na dinig na dinig mo. Lahat ng iyon ay naranasan ko sa lugar na ito. Tahimik na buhay lang naman ang gusto ko. Kasalanan bang hangarin ang bagay na iyan? Bakit nga ba…


Naaalala ko ang lugar na ito. Lugar na puno  ng masasalimuot at kasuklam-suklam na mga alaala. Mga titig na mapanghusga, mga bulungan na dinig na dinig mo. Lahat ng iyon ay naranasan ko sa lugar na ito.

Tahimik na buhay lang naman ang gusto ko. Kasalanan bang hangarin ang bagay na iyan? Bakit nga ba ako pumunta rito? Bumalik nalang ako- hindi. Hindi pwede. Kailangan harapin ko ang mga multo ng aking nakaraan.

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at nakita ko ang aking sarili na pinagtatawanan ng ibang tao. Nangingilid na ang mga luha ko at gusto ko nang umalis pero kailangan ko  ito. Para sa ikatatahimik ng aking konsensya.

Sa isang gilid, nakita ko ang sarili ko. Ibang-iba siya sa nauna. Matapang, matigas ang mukha at higit sa lahat, bayolente. Nakita ko ang pang-aapi niya sa iba. Paghihiganti nga ba ang gusto niya o gusto niya lang mapatunayang malakas siya?

Tama lang siguro ito sa akin.  Napakasama kong tao. Bakit ko nga ba ginawa ang mga bagay na ginawa ko noon? Bakit nga ba imbis na umiwas sa gulo,naghasik pa ako ng gulo sa iba?

Ang lugar na ito ang sumira sa akin, sa buhay at pagkatao ko. Ang sumira rin sa buhay ng iba pang estudyante. Sa lugar na ito, lahat ng estudyante , nagiging biktima at kriminal.

Tigilan na natin ang panghuhusga sa iba. Lahat naman tayo, gusto ng mapayapang buhay. Mas gugustuhin nyo bang maging biktima at kriminal at multuhin ng inyong nakaraan?

By: Angelica V. Tabungar