Biyaya kayo sa Akin

Biyaya kayo sa Akin Kayo ang Boss ko!             Isa sa mga naiwang salita ng dating pangulong Benigno  “NOY NOY” Aquino , ang litanyang ito. Kakaiba ang dating .             Bahid na di gagamitin ang malakas na kapangyarihan sa sariling kapakanan.             Sa tagal na  sa serbisyo bilang isang guro, iba’t iba na ang ating…


Biyaya kayo sa Akin

Kayo ang Boss ko!

            Isa sa mga naiwang salita ng dating pangulong Benigno  “NOY NOY” Aquino , ang litanyang ito. Kakaiba ang dating .

            Bahid na di gagamitin ang malakas na kapangyarihan sa sariling kapakanan.

            Sa tagal na  sa serbisyo bilang isang guro, iba’t iba na ang ating nakakasalamuha.  Ilang palit na rin ng administrasyon sa paaralan, iba iba rin ang pamamalakad.

Mahigpit.

            Galit ang iba kung nasisita sa kanyang pagpasok nang huli, alalahanin lang sana nagagalit ka rin sa iyong mga mag-aaral na nahuhuli sa klase. Ano nga ba ang kaibahan mo sa kanila ? Isipin mo nga?

Bawal ang basta lumiban.

            Magpaalam bago lumiban, maysakit ang anak di pinapayagan, nakakasakal. Ang anak ko ang dahilan kung bakit ako nagtrabaho, bakit kung may sakit siya ay di ako maaring lumiban.

Maluwag.

            Masaya ang lahat, halos nakalimutan ng iba ang kanilang tungkulin, ang epekto, parang mag-aaral na rin ang ugali ng  ibang guro, mabuti na lamang, may dedikasyon ang ilan. Maluwag man ang administrasyon, katwiran ng puno ay alam mo naman ang inyong obligasyon. Alam mo ang tama at mali.

Favoristm…

            Sa dami ko ng nahawakan na mga mag-aaral, may malapit talaga sa mga guro, may section ka ring nakagigiliwan sa husay sa klase, sa katahimikan., paboritong kagalitan sa kaingayan.

            Limang taon na ngayon , na hawak ko ang STE  Curriculum, hindi hirap sa pagtuturo sa kahusayan ng mga mag-aaral .. kasabay na hawak ko sila, nabigyan din ako ng mag-aaral na taliwas ng seksyong nabanggit, iba ang sinasabi ko sa kanila, BIYAYA kayo sa akin,tulad ng  kung gaano ko kinakalinga ang masisipag na mag-aaral ,at pinapahalagahan sila upang madama ang kahalagahan nila sa paaralan. Sa madaling salita pantay ang pagtingin.

            May gurong marunong lumaro sa ugali ng mga mag-aaral, may gurong balewala ang mga mag-aaral.

Biyaya kayo sa Akin .

            Salitang binitawan upang makuha ang loob ng mga mag-aaral , maipakita sa kanila na tapat ka , handang ibigay ang lahat, oras, leksyon , at bilang  ikalawang INA o AMA sa paarlan.

Maghigpit.

            Bilang pangalawang ina o guro , ipalaam ang kanilang obligasyon sa loob at labas ng paaralan, gumawa ng limitasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral .

Maluwag.

            Ipaalam na may oras ng biruan at kasabay nito ang respeto sa isa’t isa. Mapapanatili nito ang  pagkakaibigan na di makakalimutan sa pagdaan ng panahon.

Kayo ang Boss Ko.

Mahigpit , maluwag ang Boss natin , ay nasa atin ang desisyon, kung paano natin ito dadalhin sa ating buhay, dahil alam natin an gating responsibilidad , at mayroon tayong kunsensya.

Biyaya kayo sa akin…

                Hamon ang mga mag-aaral na ito, upang paunlarin pa ng mga guro ang sarili sa napiling propesyon, dahil alam naman natin na kaya tayo naririto ay dahil naroon silang mga mag-aaral, na biyaya sa akin.

By: Nerissa D. De Jesus | MT-I | BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL | BALANGA CITY, BATAAN