Brainstorming, Isang Mabuting Paraans aPagpapayabongng Pagkamalikhain

  Bawatisang mag-aaral ay nagtataglay ng katangian ng pagkamalikhain.Kailangan lamang ang mga paraanupang ito ay mailabas o maipakita at maisantabimunaangmga dating na kaugalian ng paggawa o pagtingin sa isang bagay. Ang brainstorming ay mahalagang pamamaraan upang makapagambag ng mga kaalaman sa talakayan saloob ng silid-aralan. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pangkat.…


 

Bawatisang mag-aaral ay nagtataglay ng katangian ng pagkamalikhain.Kailangan lamang ang mga paraanupang ito ay mailabas o maipakita at maisantabimunaangmga dating na kaugalian ng paggawa o pagtingin sa isang bagay.

Ang brainstorming ay mahalagang pamamaraan upang makapagambag ng mga kaalaman sa talakayan saloob ng silid-aralan. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pangkat. May isang paksa na itanatalaga ang guro sa bawat pangkat, at bawat pangkat ay inaasahang makapag-ambag ng mga ideya o kaalaman. Kailangan ang isang myembro ng bawat pangkat na tagatala sa lahat ng mga naiambag na ideya ng bawat isa.

Layunin din ngistratehiyang ito naiwasan ang pagpuna, pag-analisa at pagtaya ng mga kasagutan ng bawat isa. Kung ang ibinigay na ideya ay sapat na, ang mga ito ay pag-uukulan ng pagtataya at ang mga napiling mga ideya, ay mas lilinangin pa at gagamitin.

Ang layunin sa paggamit ng estratehiyang ito ay kung kailangan ang mga ideyang galling sabawat isa ay mapag-aralan at mamiling mas higit na tamang gawin.

Kung anumanang paksa sa tinatalakay saloob ng silid- aralan ay malaking tulong ang maibibigay ng brainstorming, bagamat dati na itong ginagamit ay nananatili pa din ang bias nito sa mga paksa ng tinatalakay.

Sa pamamagitan ng paraang ito, ay makatutuklas pa ng mga bagong paraan at maging mas mabunga pa namakapaglinang at matupad ang layunin.

            Ang paraang ito ay makalilinang pa ng pagkamalikhain sapagkat pinasisigla nito ang bawat isipan na makabuo ng bagong ideya at solusyon.

            Sa paggamit nito, sa susunod na talakayan saloob ng silid-aralan, tandaanang 2 bagay:

  1. Mabilis na magbigay ng iyong ideya, kahit na hindi pa ito nasasala.
  2. Repasuhin at piliin ang pinakatumpak na kuntribyusyon.

Sanggunian:

Gini Graham Scott.  The Empowered Mind.Prentice Hall. Engle Cliffs

            Hall, NJ

 

By: Shiela G. Ocampo| Teacher II | Justice Emilio Gancayco MHS | Orion, Bataan